This is the last chapter. Thank you!
Kabanata 40
Pain
--
Kinabukasan ay maaga nga akong nagising. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi sa kakaisip kung bakit ako pinapatawag ng matandang Salvador. May kaunti sa aking natatakot sa hindi malamang dahilan pero inalis ko yon at nag isip nalang ng iba. Wala naman siguro syang gagawin sa akin.
Tsaka mababait ang mga Salvador. Kung mababait sina Ma'am Juliette at Sir Nicolas, siguradong mabait rin si Mr. Antonio Salvador. Lahat sila mabait kaya wala dapat akong ikatakot.
Gosh. Gusto kong matawa sa sarili ko. Bakit ba ako natatakot?
Bago ako umalis, nagluto na muna ako sa kusina para sa pagkain ni Joshua. Kumain na rin ako roon sandali bago lumabas dahil nandoon na agad ang magsusundo sa akin. Mabuti pala talaga at maaga akong gumising.
"May napag sabihan ka na ba nitong pagpapatawag sayo ni Senyor Antonio?" Tanong ng bodyguard pagkapasok ko sa sasakyan.
Natigilan ako sandali sa tanong nya. Nasa likod ako ng sasakyan at kita kong nakatingin sya sa akin sa salamin. Seryoso pa rin sya na para bang kontrolado sya ng kung sino. Napalunok naman ako at muling nabuhay ang kaba.
"W-Wala pa naman po. B-Bakit po?" Kabado kong tanong.
Nagsimula na syang mag drive. "Mabuti. Nakalimutan kong sabihin kagabi na pinapasabi rin ni Senyor na wala ka dapat pagsabihan ng utos nya sayo,"
Bakit?
Gusto kong magtanong! Gustong gusto ko! Pero hindi ako makapag salita. Parang may nakabarang kung ano sa lalamunan ko at ang kaba ay mas lalo pang tumitindi. Huminga na lamang ako ng malalim at tumingin na lamang sa bintana.
Ayokong mag isip ng kung ano. Mababait ang mga Salvador kaya hindi dapat ako kabahan. Kakausapin lang nya ako. Kakausapin lang.
Hindi ko na nasabi ito kina Jana at Klara dahil tulog na sila kagabi. At ngayon ay tulog pa rin sila kaya hindi na din ako nakapag paalam. Tsaka si Joshua... gosh, hindi ko alam kung tama lang na hindi ako nagpaalam.
Tumingin ako sa cellphone ko. Gusto ko syang i-text o tawagan. Pero ang sabi ay wala dapat akong pagsabihan. Huminga na lamang ako ng malalim at tumingin na muli sa bintana.
Susundin ko nalang ito. Baka gusto lang sorpresahin ng matandang Salvador ang kanyang apo? O sina Ma'am at Sir? Diba? Baka ganon lang kaya ayaw nyang sabihin ko kahit kanino. Ganon lang.
Huminga ulit ako ng malalim, paulit ulit. Hindi ko talaga alam kung bakit ako kinakabahan. Hinawakan ko ang kamay kong nanlalamig tsaka pinakalma ang sarili.
Gosh, Amora! Kumalma ka! Walang mangyayari sayong masama! Ang oa mo!
Hindi ganon kalapit ang mansyon ng matanda. Ilang subdivision at village siguro ang madadaanan bago liliko sa isa pang subdivision. Maraming malalaki at magagandang bahay roon. Kahit gusto kong pagmasdan ang mga yon, hindi pa rin mawala ang kaba ko kaya hindi ako makapag focus.
Gising na kaya si Joshua ngayon? Kinakain na kaya nya yung hinanda kong pagkain para sa kanya? Hinahanap na kaya nya ako? Gising na rin kaya sina Klara at Jana?
Gusto ko talagang i-text ang isa sa kanila para magpaalam dahil alam kong mag aalala sila ng husto. Pero ang sinabing iyon ng bodyguard ay nagpipigil sa aking gawin yon. Pumikit na lamang ako at nagdasal na sana hindi pa muna sila magising. Pero imposible yon! Ni hindi ko pa nga alam kung hanggang ilang oras ang itatagal ng pag uusap namin ng matanda. Napaka hirap namang sitwasyon nito.
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Teen Fiction[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...