Kabanata 14
Baliw
--
Hinihingal akong napahinto nang makarating na sa harap ng pintuan ng rooftop. Nagpameywang ako tsaka hinabol ang aking hininga. Pinunasan ko rin ang pawis na tumutulo sa aking noo sa sobrang pagod.
Gosh. Umagang umaga pinagpapawisan ako ng ganito.
Binuksan ko ang pintuan ng rooftop at ganon nalang ang pagngiti ko nang sumalubong ang napaka lakas na hangin sa aking katawan. Para na naman akong dinadala nito sa himpapawid. Nakakarelax talaga ang sariwang hangin. Nakaka wala ng inis.
Nang makuntento sa sarap ng hangin ay nilibot ko na ang mga mata ko para hanapin si Sir Joshua. Napaka laki ng rooftop at hindi ko alam kung saan sya rito naka pwesto.
Naglakad lakad na lamang ako at panigurado namang nandito lang yun. Habang naglalakad ay ine-enjoy ko ang sariwang hangin na napaka lamig. Wala ring masyadong araw ngayon at makulimlim lang ang langit.
Simula nang mag disyembre ay makulimlim na palagi ang kalangitan. Pero hindi naman umuulan.
Napatigil ako sa paglalakad nang matanaw si Sir Joshua sa di kalayuan. Nakaupo sya sa isang bangko at nasa kandungan nya ang kanyang gitara. Pinapatugtog nya ito at iyon na naman ang magkasalubong nyang kilay. Palaging salubong ang kanyang kilay kapag tumutugtog sya ng gitara, seryosong seryoso rin ang kanyang mga mata at talagang makikita mo roon ang pagkagusto nya sa musika.
~When you wandered off.. the things we've done before.. now it's too late.. to turn back anymore...~
Dahan dahan akong napatigil sa paglalakad nang marinig ko ang kanyang boses. Umihip muli ang napaka lakas na hangin dahilan para mapunta sa aking mukha ang kakaunti kong buhok na hindi naka ayos sa pagkaka ipit.
Napatitig ako sa kanya sa pagkamangha.
~Are you coming back into my arms.. to love me again.. I love you.. I miss you.. I need you now...~
Mas lalo pa akong namangha. Sobrang lamig ng kanyang boses, sobrang sweet at sobrang nakakapangilabot. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako nakakilos pa. Hindi ko alam kung bakit natulala na lamang ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sobrang ganda ng kanyang boses sa pandinig ko. Hindi ko muli maintindihan.
Nahagip ako ng kanyang mga mata dahilan para mapatigil sya sa pagtugtog at pagkanta. Tumingin sya sa akin sa seryoso muling mga mata.
Natauhan naman ako at napa iwas ng tingin. Tumikhim ako bago tuluyang lumapit.
At nang makalapit ako ay tumingin na lamang ako sa ibaba dahil sa nararamdamang kaba na hindi ko alam kung saan nanggagaling.
"P-Pinapatawag nyo daw po ako, Sir..." sambit ko.
"Mmm, yes..." anya.
Naghintay ako sa kanyang iuutos pero hindi na nasundan pa ang pagsasalita nya kaya nag angat ako ng tingin sa kanya. Napakurap kurap ako nang makitang nakatingin lamang sya sa akin gamit ang napaka seryosong mukha.
Nag isip ako ng maaring sabihin dahil parang wala talaga syang balak magsalita.
"Uh..." nilibot ko ang aking paningin. "Ano pong.. iuutos nyo sa akin, Sir?" Binalik ko ang paningin sa kanya.
Nag iwas sya ng tingin tsaka tumikhim. "Kailangan ko ng mga libro. Kunin mo sa library yung mga libro about geometry, physics, history and chemistry. Ako na ang bahalang magbalik noon mamaya,"
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Novela Juvenil[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...
