KABANATA 35

139 8 0
                                    

Kabanata 35

Together

--

"Kinakabahan ako," kabado ko talagang sinabi habang nasa sasakyan. Pauwi na kami sa mansyon.

"Don't worry. They will support us, I promise," si Sir Joshua.

Uuwi na kami sa mansyon at ang sabi nya ay ipapaalam na nya kina Ma'am Juliette at Sir Nicolas ang tungkol sa amin! Oo! Agad agad! Ang sabi nya wala daw dahilan para itago pa namin.

Walang tigil ang paghawak ko sa kamay ko dahil nanlalamig iyon sa sobrang kaba. Patingin tingin rin ako sa labas dahil hindi na talaga ako mapakali. Pakiramdam ko pagkatapos naming umamin, tatanggalin nalang ako ni Ma'am Juliette sa trabaho.

Sino ba naman kasing papayag dito? Makipag relasyon ang kanyang anak sa isang kasambahay? Oo, alam kong maraming papayag roon. Alam ko ring mababait sila Ma'am. Pero napaka taas ng estado nila sa buhay. Nag iisang anak nila si Sir Joshua kaya walang dahilan para pumayag sila rito. Tagapag mana ang pinag uusapan! Hindi dapat isang tulad ko ang makatuluyan ng kanilang anak!

"Hey..." hinawakan ni Sir Joshua ang kamay kong nanlalamig. Mahigpit nya iyong hinawakan.

Nandito na kami sa mansyon. Kabababa lang namin sa sasakyan at heto pa rin ako at nilalamig.

"Kinakabahan talaga ako..." sambit ko habang nakatingin sa kanya.

Bumuntong hininga sya. "Gusto mo bang sa ibang araw nalang natin sabihin? Kapag handa ka na?"

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Ngayon na ba? O sa susunod na araw nalang? Hindi ko alam! Kinakabahan ako masyado at nagkakabuhol buhol na rin ang utak ko. Kung ano anong negatibo ang naiisip ko dahil malakas talaga ang pakiramdam ko na hindi sila papayag rito.

"Hmm? Amora?" Mas lalo syang lumapit sa akin.

Pumikit ako ng mariin. Kung hindi pa namin sasabihin ngayon, kailan pa? Gosh. Kailangan kong maging matapang. Hindi ko na ito pwedeng patagalin pa. Mas lalo lang magiging pangit tignan kung ililihim pa namin. Mas magandang malaman na agad namin kung anong magiging opinyon nila sa bagay na ito.

Huminga ako ng malalim.

Tama. Kung ano man ang maging desisyon nila, bahala na. Hahayaan ko nalang kung ano ang mangyayari. Kung hindi sila papayag, hindi ko pa alam. Pero kung papayag sila, magiging masaya yon. Pero paano talaga kung hindi?

Tsk. Huminga ulit ako ng malalim at hindi na nag isip pa. Tumingin ako kay Sir Joshua na naninimbang ang paningin. Para bang inaalam kung ano ang nasa isip ko.

"S-Sige, Sir. Mas mabuting ngayon na natin sabihin..." sabi ko at kinagat ang labi.

Bumuntong hininga sya. "Okay. But before that, I want you to call me by my name. Not Sir. You're my girlfriend now so you don't have to call me Sir. Okay?"

Tumango ako. "O-Okay..."

"Let's go," hinila na nya ako papasok sa mansyon.

Gosh! Eto na! Eto na! Eto na! Hindi na talaga ako mapakali! Paano kung hindi talaga sila pumayag? Ano nalang ang mangyayari sakin? Tatanggalin na ba nila ako sa trabaho? Para makalayo ako kay Joshua? Eh, paano si Joshua? Lalayo rin ba sya sa akin? Titigilan na ba nya ako?

Natigil ako sa pag iisip nang mamataan sina Jana at Klara na naglalakad. Palabas yata sila ng mansyon nang matigilan dahil nakita nila kami. Nakita ko kung paano bumaba ang mga mata nila sa kamay naming magkahawak at kung paano manlaki at mamangha ang mga mata nila. Halos magtago tuloy ako sa likod ni Joshua.

Choosing my Dreams (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon