WAKAS

216 12 0
                                    

Wakas

Choose

--

Umangat ang balikat ko nang malakas na ihampas ni Mr. Antonio Salvador ang mga litrato na nakalagay sa envelope. Kumalat iyon sa buong lamesa nya at ang galit na galit nyang mga mata ay naderekta sa akin. Mabilis at malalim rin ang kanyang paghinga dahil sa galit na nararamdaman nya para sa akin.



Hindi na ako nagulat nang makitang pictures namin iyon ni Joshua. Mga pictures iyon kagabi nung lumabas kami. Alam kong malalaman nya ito. Alam kong ipapatawag nya ulit ako rito. Alam kong mangyayari ang lahat ng ito ngayon.



"Hindi ba't sinabi ko nang hiwalayan mo na ang apo ko?" Sigaw nya. "Bakit hanggang ngayon hindi ka pa rin umaalis?!"

Matapang akong nag angat ng tingin sa kanya. "Hindi po ako aalis..."

"What?!" Singhal nya.

"Wala po akong ginagawang masama, Senyor. Wala pong dahilan para umalis ako at iwan ko ang apo nyo..."

Mapakla syang natawa. "Do you know what you're saying?"

"Hindi ko po iiwan si Joshua, Senyor..." ulit ko.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin yan. Someone like you doesn't deserve my grandson!"

"Bakit po? Dahil ba mahirap lang po ako--"

"Yes! Someone like you who has no wealth is not suitable for a Salvador. You are a disgrace to our family! Leave my grandson alone!"



Piniga ang puso ko sa kanyang sinabi. Nangilid ang mga luha ko. Pinigilan kong magsalita at kinalma ang pusong sobrang nasasaktan na.



"You're not worthy for my grandson. He needs to marry someone who's rich, have a high view of life and educated. Not someone like you who has nothing but poverty!"



Umawang ang labi ko sa kanyang sinabi. Sobrang sakit ng mga sinasabi nya, tagos sa buto ang sakit at wala akong magawa roon kundi ang umiyak. Sunod sunod na pumatak ang mga luha ko.



"Now, Ms. Amora Braze Cruz," mariin nyang sinabi. "Leave Joshua alone. You doesn't deserve him,"



Huminga ako ng malalim. Binalewala ko ang puso kong kumikirot sa sakit at matapang pa rin syang tinignan. Wala na akong pakialam sa mga masasakit na salitang binitawan nya at bibitawan nya, ipaglalaban ko ang gusto ko at alam kong tama. Hindi ko iiwan si Joshua.



"Estado na po ba talaga ng buhay ang tinitignan nyo? Hindi po ba't hindi naman mahalaga yon basta mahal nyo ang isa't isa--"

"Mahal?" Mapakla syang natawa. "Lintik na pagmamahal yan! Walang patutunguhan yan!"

"Hindi po magawa ni Joshua ang mga gusto nya dahil sainyo," patuloy ang mga luha ko. "Gusto nya pong kumanta pero ayaw nyo noon para sa kanya. Ayaw nya ng kumpanya nyo pero pinipilit nyo pa rin sya roon. Hindi nyo po ba iniisip ang nararamdaman nya? Kinokontrol nyo po ang buhay nya!"

Bahagya syang natigilan sa sinabi ko pero nagpatuloy pa rin. "I am just doing what's best for him. Iyon ang makakabuti sa kanya at ikaw, hindi ka nakakabuti para sa kanya kaya mas mabuti nang umalis ka na! Layuan mo na ang apo ko at masisira lang sya ng dahil sayo!"

"Mahal po ako ng apo nyo," matapang kong sinabi. "Ayaw nyo syang mag musika, wala rin kayong oras palagi sa kanya noong bata pa sya dahilan kaya sya palaging malungkot, tapos pati ako na kasiyahan nya ay hindi nyo rin kayang ibigay sa kanya? Hindi nyo po ba iniisip ang nararamdaman nya?"

Choosing my Dreams (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon