Part one: The Outbreak
ISANG sakit ang kumakalat sa buong mundo. Wala itong panlunas na mga medikal. Hindi ito isang pangkaraniwang virus. Isa itong nakapangingilabot na suliranin ng buong mundo. Patuloy itong kumakalat sa malaking bahagi ng Amerika, Europa, Australia, Africa at maging sa Asya ay nakarating na rin. Hindi ito isang flu na kapag ibinuga ng tao sa hangin ay maaaring makahawa. Kumukonekta ang nasabing virus sa pamamagitan ng kagat at kalmot sa ibang tao na wala nito. Walang makapagsabi kung saan ito nagmula. At wala ring nais umamin kung bakit nagkaroon ng ganitong kalalang suliranin. May mga nagsasabing galing ito sa isang hazardous na kimekal mula sa isang tagong laboratoryo sa North America. Sa isang Corporation sa South America, tinawag nila itong Z-Virus.
Sa malaking bahagi ng Asya patuloy itong kumakalat. Ang virus ay nanggaling sa bansang Europa. Sa mga nakalipas na tatlong taon ang tatlong kontinente-Europa, Afrika, at Asya ay ang pinakaligtas na lugar kaya marami ang mga nagsilikas galing sa mga kontinente ng North at South America. Napasok na rin ang maliit na kontinente ng Australia ng nasabing virus. Halos ang mga nabanggit na mga kontinente ay wala ng natitirang pag-asa para sa mga taong nabubuhay roon.
Naging mahigpit ang pagtanggap ng natitirang magkakatabing tatlong kontinente sa mga tao sa America at Australia. Ang mga bansang ayaw tumanggap ng mga mamamayang nanggaling sa America at Australia ang nagsasabing ligtas sila.
Sa Europa, tinataboy nila ang mga taong hindi nila kilala sa pag-aakalang mayroon ang mga itong nakamamatay na virus. Ganito rin ang sistema sa ilang mga bansa sa Afrika at Asya.
Ang Pilipinas, ito ang naging takbuhan ng maraming mamamayan na nanggagaling sa America at Australia. Bukas ang nasabing bansa sa sinuman.
Maraming mga bansa ang hindi sang-ayon sa bansang Pilipinas. Wala na itong natatanggap na tulong mula sa China, Japan at Thailand. Pinutol na ng mga ito ang ugnayan sa isa't isa. Maging man ang mga bansang Malaysia, Vietnam, at Indonesia ay hindi rin sang-ayon sa ginagawang pagtulong ng pangulo ng Pilipinas sa mga nagsisilikas na mga mamamayan. Natatakot ang mga ito na baka mapasok sila ng virus.
Patuloy ang pagdami ng mga mamamayang nagtutungo sa Pilipinas. Hindi na nakasasapat ang budget ng pamahalaan para sa pangunahing pangangailangan ng mga tao. Hindi iyon dahilan upang itakwil rin nila ang maraming mamamayan na nangangailangan ng tulong. Dahil na rin sa pagtutulungan ng bawat isa madaling nabigyan ng solusyon ang suliranin. Tulong-tulong na nagtanim ang maraming mga tao ng mga gulay, prutas, halamang-ugat sa mga bakanteng lupa. Kaya kahit paano nakatulong ito sa mga mapagkukunan ng pagkain.
Sa ilang bahagi ng bansa sa Europa, isang malakas na sigawan ang gumimbal sa katahimikan ng gabi. Maraming mga tao ang hindi alam kung saan patutungo at kung ano ang gagawin. Patuloy silang inaatake ng mga nahawaan ng virus. Pinapasok ng mga ito ang bawat bahay. Mga matao at di-mataong lugar. Walang kamalay-malay ang ilang mga karatig bansa na unti-unti na silang pinapasok ng virus.
Huli na para sugpuin ang virus dahil patuloy na itong kumakalat.
Patuloy na kumakalat ang virus hanggang sa marating nito ang Africa at ilang bahagi ng Asya gaya ng Timog Asya, Gitna at Kanlurang Asya.
Dahil sa magkakatabi lamang ang kontinenteng Europa, Africa at Asya mabilis itong kumalat. Unang nakapasok sa bansang Armenia ang Virus hanggang sa sunod-sunod na makapasok sa bansang Azerbaijan na kalapit lamang ng bansang Armenia, sa Kazakhstan, Uzbekistan, Turkmenistan, Kyrgyzstan, Russia, Mongolia, China, Afghanistan at mga bansang karugtong ng mga ito. Huling tinawid ng virus ang bansang Brunei Darussalam, Indonesia, Singapore at ilang bahagi ng Malaysia. Ang East Timor ay napasok ng virus kasabay ng Australia. Ang Japan ay tinawid ng virus galing ng North at South Korea.
May dalawang bansa ang hindi agad napasok ng virus dahil sa likas na pagkakataon. Napapaligiran ang mga ito ng tubig-alat.
Ngunit sa bandang huli sumuko na rin ang dalawang bansa sa pagtanggap ng mga survivor mula sa iba't ibang kontinente. Natatakot na rin ang maraming mamamayan sa mga bansang ito. May ilang mga karatig bansa ang nakapaglilikas pa sa ilang lugar sa Pilipinas gaya ng Palawan at ilang probinsiya sa Bicol kahit pinutol na ito ng pangulo.
Naging mahigpit ang seguridad. Ang simumang kakakitaan ng mga sugat sa pag-aakalang isa na ring infected ay agad pinapatay.
Habang patuloy na kumakalat ang virus. Maraming mamamayan ang nawawalan na ng pag-asa. May ilang napagdesisyunan na kitilin na lamang ang sariling buhay dulot ng takot, matinding depression at mga pag-iisip kung ano ang magiging kahihinatnan nila sa mga darating na umaga.
May ilan ring naghahanda ng mga armas upang kung sakaling mapasok ang bansa nakahanda silang pigilan ang mga infected na atakihin sila. Ngunit, iyon nga ba?
Linggo lamang ang lumipas ng mapasok ng virus ang Taiwan, una itong kumalat sa mga mataong lugar bago ang mga bahagi ng kabundukan.
Patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng populasyon sa Pilipinas, ang nag-iisang ligtas na bansa mula sa virus. Nagkukulang na rin sa supply ng pagkain, mga gamot at inuming malinis na tubig. Karamihan ay nagtitiis na lamang sa gutom at umaasa sa mga taong magbibigay sa kanila ng tulong. Marami ang nagpapatiwakal. Araw-araw di mabilang kung ilang katawan ng tao ang mga nakabitin sa sanga ng mga punongkahoy.
Sa kalakhang Maynila ang higit na naapektuhan. Nagsara ang mga supermarket, mga pabrika, palengke at maging ang ilang malalaking kompanya. Dumating na din sa punto na kinakailangan ng mag-deport ng Pilipinas. Sapilitang pinababalik ng mga nasa katungkulan ang hindi mga Pilipino sa kani-kanilang mga bansa. Ang mga nagmamatigas ay pinapatay ng mga sundalo sa utos ng nakatatas sa kanila. Kahit labag man ito sa kalooban nila. Sa takot naman ng ilan wala silang ibang mapagpilian kundi ang sumunod at harapin ang panganib sa sariling bansa.
Naging malala ang kinahaharap na suliranin ng Pilipinas sa mga sumunod na araw.
Dumaan ang mga buwan ganoon pa rin ang sitwasyon. Walang pagbabago. Mas dumarami ang mga namamatay na tao. Maging mga inosenteng paslit hindi nila pinaliligtas.
Sa mga probinsya at kabundukan ang naging ligtas na takbuhan ng nakararami. Sa Rehiyon ng Bicol, mas kaunti ang populasyon roon kaysa sa mga Lungsod ng Maynila at karatig na lalawigan nito. Sa Visayas at Mindanao, lumubo na rin ang populasyon roon. Natigil na rin ang mga nangyayaring kaguluhan sa Mindanao sa pagitan ng mga bandido at mga sundalo.
Hindi gaanong puntahan ang Rehiyon ng Bicol dahil sa mahirap lamang itong rehiyon kung kaya't kaunti lamang ang bilang ng mga tao dito. May mga ilang sumubok na mga banyaga at magiliw naman silang pinatuloy ng mga taga roon. Karamihan sa mga ito ay galing sa mga bansang America, Australia, Korea at Thailand. Naging mapalad ang mga taong pinatuloy sa nasabing rehiyon ngunit limitado lamang ang pinapapasok roon na mga tao.
#
BINABASA MO ANG
Z-VIRUS: End Of Mankind
Science FictionAn unusual virus continues to destroy humanity on seven continents of the world. The virus is contagious through bites and scratches. It has no medical cure. In a laboratory in America they called it, the Z-Virus. January 6, the virus entered in the...