Kath Pov
Gabi na pero wala pa rin dito ang asawa ko sa bahay. Im sure nandoon na naman yun sa bahay nang mga kaibigan niya. Nakipag inuman kasama ang mga iba't-ibang babae, Hindi ko alam kung bakit grabi na lang kung magalit siya sa akin. Kahit wala naman akong ginagawa na masama. Halos araw-araw nga lang akong nasa loob ng bahay namin. Dahil mahigpit na ipinagbabawal niya sa akin ang lumabas ako nang bahay namin at makipagkita sa mga kaibigan ko. Kaya hindi na ako umangal sa gusto niya dahil siguradong bugbug lang ang matatanggap ko na galing sa kanya kapag nagpumilit pa ako sa gusto ko.
kahit na ang pumunta ng mall na kasama si Manang, ay hindi rin pwede. Hindi naman ganito si Max, dati e. Pero ewan ko ba kung bakit bigla nalang siyang nagbago, pati nga kung paano niya ako tratuhin ay nagbago na rin at bigla nalang din siyang nagagalit sa tuwing nakikita niya ang mukha ko. At dahil nga sa mahal ko siya ay hinayaan ko na lang din siyang bugbugin ako dahil ayaw ko kasi na mawala siya sa buhay ko. Ganito naman talaga kapag nagmahal tayo di ba? kailangan din natin ibaba ang pride natin at matutong mag tiis. Kasi ito ang pinili nating relasyon at taong mamahalin.
Natigil lang ako sa pag-iisip nang bigla nalang nagsalita si Manang, sa likod ko at paglingon ko nga ay may dala na itong tray na may lamang pagkain at pagkatapos ay isa-isa na nitong nilagay ang mga niluto niya sa lamesa '' Kath, kumain ka na muna nitong niluto kong pagkain na para sayo habang mainit pa itong sabaw ng baboy at may pork adobo din dito na paborito ni sir Max. Ang lakas pa naman ng ulan ngayon at hindi pa rin umuwi ang batang yun.'' Ani Manang na may bahid ng pag-aalala ang boses.
''Maraming salamat po, dito Manang, Hayaan nyo po at itatabi ko nalang sa kanya itong ibang pork adobo baka kasi hindi pa yun kumakain e.''Sabay kuha ko ng food container sa kitchen drawer. ''Siya nga po pala tinawagan ka po ba niya para sabihin kung anong oras siya uuwi ngayon?'' Tanong ko.
Nakita ko naman ang pag seryoso ng mukha ni Manang, habang hawak nito ang tray na wala ng laman na nilagyan niya ng pagkain kanina at tumingin siya sa akin '' Hindi e. Pero hayaan mo at sasabihin ko kaagad sayo kapag tumawag na siya ha? Para maibsan naman yang sobrang pag-aalaala mo. Napangiti naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Ang bait talaga ni Manang, kasi alam na alam niya kung paano talaga pagaanin ang loob ko. At kahit yaya siya ni Max, ay sa akin talaga siya pumapanig at hindi sa asawa ko.
''Siya nga pala itong mga pasa mo masakit pa din ba? Pasensya ka na ha? kung hindi kita ipinagtanggol sa kanya. Ayaw ko kasi na mangialam sa relasyon nyo kahit gusto ko na talagang sabihin sa parents niya ang lahat ng mga ginagawa niyang pasakit sayo pero natatakot naman ako na baka ako pa ang maging dahilan ng away nila ng mag pamilya. Pero pinagsasabihan ko naman si Max, na itrato ka niya ng maayos tulad nang dati.
Na touch naman ako sa sinabi niyang yun, at naiintindihan ko rin naman si Manang, kasi nagtrabaho siya para sa pamilya niya at ayaw ko na ang pag sumbong niya sa parents ng asawa ko ay ang maging dahilan para matanggal siya sa trabaho. And that's a No, no for me. ''Medyo okay na po Manang, hindi na po masakit. Umupo po kayo samahan nyo nalang akong kumain. Hindi kasi nakakabusog kapag mag-isa ka lang kumakain e.''Pagyaya ko sa kanya ngunit tumanggi siya dahil marami pa raw siyang gagawin sa kusina.
''Mamaya na ako kakain pagkatapos mong kumain, dahil marami pa akong gagawin sa kusina kaya maiwan na muna kita dito. Tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka.''Aniya pagkatapos ay naglalakad na siya papasok sa kusina.
''Is Kira, here?'' I ask Tristan pagdating ko sa condo unit ni Ziggy.
Naituon naman ang atensyon ni Ziggy sa akin, kaya siya na rin ang sumagot ng tanong ko ''No, she's not yet here bro.'' Walang gana naman akong naupo pagkarinig ko sa sagot niya.
''Baka na traffic lang siguro yun.''Saad naman ni Tristan, ngunit hindi sa akin nakatuon ang atensyon niya kundi nasa cellphone niya ito. I'm sure nanonood na naman ang lalaking yan ng mga anime movies parang bata pa rin talaga ang isang ito.
BINABASA MO ANG
Her Sweet Revenge BOOK#1(ONGOING) [Paid Story] [Revising]
RomanceShe is Kathlia Montalba, the real wife of CEO Max Montalba. Who is secretly in a relationship with his friend Kira Higgins. And this is the reason why her husband, Max, changed his attitude towards her. And that's why he will also meet Austin Valley...