Hindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahulog na ang loob ko sa kanya... Mahal ko na siya kahit may mahal siyang iba... At may mahal akong iba... Nakatali kaming pareho sa isang kasunduan Mapaligaya lang namin si Lola Natalia sa huling sandali ng kanyang buhay. Kahit kapalit pa nito ang sarili naming kaligayahan. Kahit sa bandang huli... Sila kaya ang magkatuluyan? Aminin kaya nilang, mahal na nila ang isa't isa? Maging maligaya kaya sila?
91 parts