Pinarada ni Zarchy ang kanyang kotse sa isang napalalaking building. Mukhang magara at high end ang pagkaka design as well as construct ng naturang building pero mukhang matamlay ito. Parang di maipinta ang mukha ng iilang empleyado na pumapasok."Narito na tayo Aizen, ang gusali na yan ang kumpanya na pag aari ng pamilya mo ang Shau-Chen Incorporation." Zarchy said while looking at the building.
"Ganoon pala kayaman ang pamilyang kinabibilangan ko." wika ko.
"Totoo yan One of the Top Ten most largest company sa buong bansa natin. Naging matunog sa publiko ang kumpanya ninyo nang hawakan mo ang position bilang Vice President. Dahil pinasok mo ang Advertising at ang huli ang Garments at clothing Apparel."
Nagumpisang mabagabag ang kalooban ko dahil parang may naramdaman akong may hindi magandang nangyayari saming kumpanya.
Tiningnan ko si Zarchy habang abala sa pagscroll ng phone niya.
"Zarchy, gusto ko naman makita ang pamilya ko maari ba natin itong puntahan." Hiling ko.
"Sure wait igoogle ko muna."
Tahimik kami sa loob ng kotse nang bigla na lamang kaming nabulabog ng grupo ng mga taong may hawak na placards at megaphone.
"Anong nangyayari bakit may mga nagwewelga?" tanong ko.
Pinagbabato ng mga nagwewelgang mga tao ng plastic ang harap ng aming building, sa sobrang dami ay nagkulay pula o dugo na ang entrance ng building. Takot na takot ang dalawang security guard na tumawag pa ng ilan pang security guard upang itaboy ang mga tao.
"Hindi makatarungan ang ginawa niyo sa aming mga kawani ng kumpanyang ito. Nang dahil sa sakripisyo, dugo, pawis at pagod hindi mararating ng kumpangyang ito tagumpay na mayroon ngayon!" Sigaw ng lalaking may hawak ng megaphone.
"Bulok ang sistema ng bagong chairman, ibalik ang mga Shau-Chen sa chairmanship!" Sigaw pa ng ilan.
"Ibalik!"
"Ibalik!"
"Bulok ang bagong Chairman! inutil ang mga board!" Sigaw ng papaparating pang mga ilang tao.
"Bakit sila nagwewelga?"
Napatingin ako kay Zarchy na patuloy sa pag scroll ng phone niya.
"Ayon dito sa nabasa ko, hindi naging maganda ang pagpapatakbo ng bagong CEO. Dalawang taon na rin pala ang lumipas nang magkasakit ang lolo mo na si Chairman Mao kaya nagkaroon ng repaso ng liderato ng board. Ayon pa dito sa article ng Business Mirror simula ng mamatay ang Vice President na si Aizen Shau-Chen. Nagumpisang tumamlay ang kumpanya kasunod ng mga taong lumipas ay ang pagka stroke naman ni Chairman Mao."
"Nakalagay ba dyan kung kailan ako namatay?"
Napakapit ako sa natutuklasan kong naganap sakin noon at mga taong nawalay ako sa pamilya ko ganoon din sa Shau-Chen Corporation.
"Wait di ko natandaan kagabi sa dyaryong ginupit, wait babasahin ko pa nilalaman ng article na to, nakita ko yun eh hmm."
Halos itutok sa mukha ni Zarchy ang screen ng phone niya habang dahan dahan itong nagscroll ng phone niya."Heto, 2016 ka namatay?"
Napangiwi si Zarchy matapos niyang sabihin iyon.
"2016 ako namatay , bakit ibinalita akong patay samantalang heto buhay na buhay ako." Pagtataka ko.
"Nakakaloka naman, never in my entire life na maimagine kong may taong magtatanong sakin kung kailan siya namatay. Pero heto nga buhay na buhay ka nga." Sagot naman sakin ni Zarchy.
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
FanfictionBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...