Natulala ako sa lalaking dumagan sakin kanina dito sa may bangketa, Matatakot na sana ako dahil may malaking pagkakahawig ito kay Kurt. Inakala kong siya si Kurt noong una, ngunit ng magsalita ito at magalit sakin ay mali ako ng inisip na siya si Kurt. Inis itong nagpapagpag ng sarili dahil sa pagkakasalampak namin sa bangketa."Aizen anong nangyari sayo?" Wika ni Zarchy nang siya makabalik.
Tinulungan niya ko sa pagpagpag ng damit ko at ang sumbrerong suot ko. Bahagya kasing nadumihan ako sa pagkakasalampak ko sa bangketa.
"Nadaganan kasi ako ng lalaki kanina. Natakot ako akala ko si Kurt yun lalaki yun pala kamukha lang."
"Nasiguro mo bang hindi siya si Kurt." Nag-aalalang tanong ni Zarchy."Oo hindi siya si Kurt galit na galit pa nga sakin di daw ako nagiingat pero malaki talaga pagkakahawig ng lalaki kay Kurt."
Natapos ko na din pagpapagan ang pantalon ko, nakaramdam ng kirot ang braso ko dahil nagtamo pala ako ng kunting gasgas.
"Ganoon ba baka nga kamukha lang. O May gasgas ang braso mo gamutin na muna kaya natin." Hawak ni Zarchy ang braso kong may gasgas.
"Gasgas lang naman to di naman gaano masakit."
"Sige pagkauwi na lang natin sa bahay, sa uulitin mag iingat ka Aizen." Pagkasabi nun ni Zarchy ay pinagpagpag niya ang sumbrero ko at pagkatapos ay isinuot ito sakin.
"Huwag na huwag mong hahayaan matanggal itong sumbrero mo kapag nasa labas tayo, mahirap na baka matiyempuhan tayo ni Kurt at ng mga tauhan niya, Kailangan naikukubli ang mukha natin nitong mga sumbrero. Tara na umuwi na tayo."
Pagkasakay namin ng kotse ni Zarchy habang nasa daan ay naguusap pa rin kami.
"Isang linggo na tayong naghahanap sa nanay ni Kurt, wala pa din tayong malinaw na lead kung saan siya hahanapin." Wika ko.
"Kaya nga eh pero hayaan mo nilakad na ni bayaw sa Bureau of Jail Management and Penology baka naman kasi nakakulong yun taong hinahanap natin." Sagot ni Zarchy habang nakahawak sa steering wheel.
"Mahirap kung may mabigat siyang kasong kinakaharap hindi naman maaring si Kurt ang dadalhin natin sa kulungan para makita niya lang ang ina niya."
"Yun na nga eh, bukas naman pupunta tayo sa social welfare baka din kasi nasa mga institution ng gobyerno na nangangalaga sa mga walang tahanan o pulubi."
Napabuntong hininga na lang ako sa daloy ng usapan namin ni Kurt. Huminto ang aming sasakyan ng mag red light ang traffic sign.
Isang matangkad, matipunong lalaki ang ang napukaw ng aking pansin habang tumatawid sa pedestrian lane. Nakakaakit ang mukha nito ngunit parang malungkot ang mukha niya. Parang pamilyar sakin ang lalaki ngunit hindi ko matandaan kung sino at saan ko siya nakilala.
Ipinikit ko ang aking mga mata para subukan alalahanin kung sino ang taong yun.
"Aizen bakit?"
Si Zarchy na napansin pala ako.
"May pinipilit lang akong inaalala Zarchy pero wala talaga ako maalala."
"Ganoon ba kalala ang pagkawala ng memorya mo, ano bang huli mong natatandaan?" Ani Zarchy sakin.
"Nagising na lang ako sa hospital ang sabi ng doktor na tumingin sakin na kaibigan ko daw siya, matagal daw akong na comatose kaya nawalan ako ng alala. Bukod dun pinapainom din ako ng gamot na naka apekto sa aalala ko dahil ayaw ni Kurt na magbalik ang alaala ko." Tugon ko habang nakasapo ang ilang daliri konsa sentido ko.
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
FanfictionBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...