Ipinarada ni Kiskey ang kotse niya sa basement parking ng Aluhan Mall. Papasok siya ngayong umaga sa milktea shop sa loob ng mall. Bago niya kunin ang lahat ng gamit sa loob ng kotse ay tinawagan siya ng Mama ni Aizen sa telepono. Iniinbitahan niya ng Mama nk Aizen sa isang salo-salo para ipagdiwang ang birthday ng kanyang kaibigang namayapa na.Nangako naman si Kiskey na dadalo pero nagdadalawang isip siya.
Sa sumunod na buwan na ang kaarawan ni Aizen. Nakaligtaan na niya ito sa dami ng inaasikaso sa opisina ng Milktea shop. Mabuti na lamang at matagal tagal pa naman yun.
"Aizen." malungkot niyang sambit sa kaibigan na matagal na niyang namimimiss.
Tila maiiyak siyang mag-isa sa loob ng kanyang sasakyan. Pinahihirapan ang kanyang loob at nakokonsensiya siya sa hindi pagsabi kay Brent na buhay si Aizen. Hindi niya magawang sabihin ito dahil natatakot siyang mawala sa kanya ang kapatid ni Brent na si Spocky.
"Paano ba kita matutulungan Kuya Brent sa mga problemang pinagdadaanan mo?"
Napasubsob pa sa manibela ang ulo ni Kiskey at iyak.
"Kung sasabihin kong buhay si Aizen mawawala sakin si Spocky hanggang ngayon alam ko at nararamdaman kong hindi niya pa rin nakakalimutan si Aizen."
Kinuha ni Kiskey ang phone niya at tinawagan ang abogado ng pamilya ni Aizen. Naisip niya kung nagawa niyang mabayaran ang existing loan ni Aizen na nagkakahalaga ng 2.5 Million baka magawa din ng paraan ng abogado ng mga Shau-chen na makapaglabas ng malaking pera para sa pagpapa opera ng inaanak niyang si Aiken.
Nabigla pa si Kiskey nang marinig niya ang pagsagot sa kanyang kakausapin sa kabilang linyag. Abala kasi siya sa pag iisip ng kung ano pang maaring gawin solusyon.
"Yes Hello Attorney, Attorney kailangan ko ulit ng tulong mo. Nangangailangan kasi ng malaking halaga si Brent para sa pagpapa opera at gamot sa hospital ng anak nila ni Aizen?"
"What kind of help do you need Kiskey?" Sagot ng abogado sa kabilang linya.
"Naisip kong baka maaring makapag withdraw ng pera galing sa bank account ni Aizen para maipangtutus sa gastusin ng hospital."
"Kiskey, You know matagal na kong abogado ng pamilya Shau-chen at may malaking akong utang na loob kay Chairman Mao pero sa bagay na yan hindi kita matutulungan. May batas tayo tungkol dyan, ang pagwiwithdraw ng pera ay tanging ang bank account owner lamang ang puwede makagawaan noon, kahit na sa transfer of funds kailangan may declaration and signature ng mismo may-ari ng bank account ay kailangan pa rin ng pirma. Even pay cheques."
"Attorney hindi sa may masama akong balak sa pera ni Aizen, alam niyo din na halos parang kabilang na ko sa pamilya Shau-chen pero ang buhay ng anak ni Aizen ang nakataya dito! Kailangan maagapan ang bata."
"I know, Kiskey na may malaking tiwala sayo si Aizen at ang buong angkan ng Shau-chen, naisip ko mas mainam sigurong paraan kung ipaalam mo na sa mga Shau-chen ang nangyari sa anak ni Aizen lalong lalo na kay Chairman Mao at Director Ives. Karapatan din nila malaman ang tungkol sa nangyari sa kanilang apo. Mas mainam yun para mismo ang Shau-Chen Family ang gagalaw para tulungan ang tagapagmana nila."
Paano ko gagawin yun kabilin bilinan ni Brent na huwag ipagbibigay alam ang nangyari kay Aiken sa mga Shau-chen ni himingi ng tulong ay ayaw niyang gawin.
"Maipapayo kong wag na solohin ni Brent ang problema sa hospitalization ni Aiken. Sabihin niya na kay Chairman Mao at Former Director Ives na malala ang lagay ng apo nila."
"Kiskey are you still there?"
Napahinga ng malalim si Kiskey dahil sa mga narinig niyang iyon. Hindi na rin niya alam ang gagawin? Maiipit din siya sa sitwasyon ikakagalit nila Chairman Mao at Mommy Ives ang nangyari kay Aiken.
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
FanfictionBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...