Chapter 28 part 1 Kurt's Playground

636 37 15
                                    

Warning this chapter contains sexual scenes and Crime not suitable for minors or teens!!!

   Mabuti na lamang ay pumasok sa loob si Kurt sa cubicle para magbawas, kung hindi maabutan si kami ni Papa at ng kambal na inaakit ako ni Kurt. Hindi puwedeng kahit sino at kahit kailan na may makakaalam sa nangyayari samin ni Kurt.

     Dali-dali akong lumabas ng cr para dito kami sa labas makapag usap ni Papa ng hindi kami makikita ni  Kurt. Iniiwas ko sila sa paningin ni Kurt at hindi maaring makita nila ang gingawang pangbababoy sakin ng demonyong si Kurt.

    "Naiihi daw ang mga apo ko." saad ni Papa.

   "Ah ganoon ba sige hintayin ko na lang kayo dito sa labas, may importante kasi akong tatawagan" nakalapat pa ang phone ko sa tengga ko.

     "Okay po Daddy."

    Nginitian lang ako ng kambal at dumeretso sa loob ng CR na halatang ihing ihi na sila.

    Tumulo ang pawis ko sa kaba, sana magtagal pa sa loob si Kurt at sana makalabas na agad ng CR sila Papa. Sinilip ko pa sila ng buksan ko ang pinto para magkaroon ng siwang. Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas na sila ng cr. Kaya naman kinuha ko ang mga kamay ng kambal para at mabilis na  lumabas ng restaurant.

     Kamuntik muntikan na ko doon, nakahinga na ko ng maluwag ng lumabas na kami nila Papa kasama ang kambal.

     Para akong batong nanigas nang makita ko sa labas ng restaurant na yakap ng isang lalaki si Aizen.

    Sino siya bakit niya niyayakap si Aizen. Matagal ang kanilang yakapan, kaya hindi ko makita ang mukha ng naturang lalaki. Kaya binilisan ko ang lakad ko halos hatakin ko na ang mga bata para malapitan si Aizen.

     "Aizen!" sigaw ko na halata sa tinig ko na may selos at tensiyonado.

     "Sino yan kayaka... kap mo!?"

     Natigilan ako ng nang lumingon ang lalaki...

     "Kurt?" sigaw ko.

     Akma kong susuntukin si Kurt dahil hindi ako makapapayag na pati si Aizen ay bibiktimahin niya, na gaya ko ay wala akong magawa para makaligtas sa kasamaan niya.

     "Uy lods Brent kamusta long time no see ah!"

     Natigilan na naman ako nang makilala kung sino nga ba talaga ang lalaking yumayakap kay Aizen.

     "Razzo?"

      "Si Pareng Brent oh, para ka naman nakakita ng multo. Ako lang to."

     Pinagmasdan ko siyang mabuti. Si Razzo nga itong nasa harapan ko. Noon una inakala kong siya si Kurt.

     Bakit ko ngayon ko lang napansin ang malaking pagkakahawig nila Kurt at Razzo. Bakit magkamukha sila? Magkapatid kaya sila? O magkahawig lang. Maari naman siguro na magkahawig lang talaga sila. Imposible kasing magkapatid si Kurt at Razzo. Si Razzo na sa hirap ng buhay ang kinikita niya sa gaybar at pagbebenta ng laman ang ipinangbubuhay niya sa pamilya niya.  Samantalang si Kurt na ubod ng yaman. Kung tutuusin ay parang mas mayaman pa siya sa mga Shau-Chen. Nakasuot ng polo barong si Kurt habang naka rugged naman ng pananamit si Razzo. Simpleng tshirt at ang kanyang pants ay wakwak sa bandang mga tuhod.

     "Polds halika dito oh nandito si Pareng Brent!" sigaw nito na nasa di kalayuan si Poldo.

     "Magkakilala kayo?" tanong ng asawa kong si Aizen.

     "Ah Oo nagkakilala kami dati kong pinagtatrabahuang Restaurant." na bigla na lamang lumitaw sa bibig ko nang wala akong maisip na salitang maisasagot.

[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon