Isang araw ibinalita sakin ni Zarchy na natunton na ni Kurt ang bahay ni Razzo at ang kanyang Ina.Mabuti na lamang bago mangyari iyon ay nailipat ko na ang mag-iina. Dito sila sa bahay na pag aari ko na muna sila mananatili. nasa exclusive subdivision ang bahay ko kung saan nakatira ang mga sikat, mayayaman at makapangyarihan sa lipunan.
Bago ko kumatok ay nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. May mga alala na naman nagbalik sakin isipan sa bahay na ito. Ito ang bahay na naging safe house ko ng dalawang linggo akong nagtago at naghintay sa pagbabalik ni Brent. Tinamaan kasi noon si Brent ng bala sa bisig noon may dinaluhan youth convention. Ang dalawang linggong nakakulong dito ay pakiramdam kong dalawang dekadang wala sa tabi ko si Brent.
"Brent." singhap ko.
"Namimiss na kita."
Nakakatawa lang isipin ang huling tuntong ko sa bahay ko yun ang madalas kong sinasambit. Bawat araw na nagdaraan ay namimiss ko siya. Ngayon muli akong naparito yun na naman ang salitang nasabi ng mga labi ko.
"Namimiss na kita Brent."
Hindi bali ngayon hawak ko na si Razzo. Magpapatulong ako sa kanya para paniwalain si Brent na hindi totoo ang mga sinasabi ni Kurt tungkol sakin. Wala kaming relasyon ni Razzo at tumira lamang ako sa kanya para magtago.
Unang katok ko pa lamang ay kaagad na akong pinagbuksan ng pinto ni Razzo.
"Angelo este Aizen. Pasensiya na hindi pa rin ako nasasanay na tawagin kang Aizen." sabay yakap sakin ni Razzo.
Medyo nailang naman ako sa ginawang pagyakap ni Razzo dahil nakatingin samin ang kanyang ina.
"Salamat at nagtiwala kayo sa mga tauhan ko. Pumayag kayong tumira dito pansamantala. Ako sana ang susundo sa inyo noon pero sunod-sunod ang mga schedule ng meetings ko. "
"Oo nga anak bakit ang dami-dami naman bodyguards na sumundo samin, tapos heto binabantayan pa kami. Pakiramdam ko tuloy ay VIP kami ng mga anak ko." baling ni Aling Bebang kay Razzo.
"Kasi po kailangan kong mapanatili ang inyong kaligtasan sa kahit anong oras kaya mahigpit po ang pagbabantay sa inyo. Bago niyo i-meet ang anak ninyong si Kurt" paliwanag ko.
"Ang kakambal mo." baling ko kay Razzo.
"Ang anak ko nakita mo na ba siya? Nandito na siya sa pinas? Gusto ko na siyang makita at mayakap anak. Isama mo ko sa kanya." bakas sa mukha ng Ina ni Kurt at Razzo ang pananabik sa panganay na kambal.
"Hindi po muna sa ngayon kasi, may ginagawa pa po kong hakbang para ligtas ang muli ninyong pagkikita."
"Bakit? hindi ko maintindihan? Sino ba ang nagbabalak ng masama samin?"
"Si...si Kurt po mismo ang dahilan kung bakit iniingatan ko po kayo sa ngayon. May... May diperensya po sa pag iisip ang inyong anak."
"Ha baliw ang anak ko? Saang mental hospital siya naka confine. Kung ganoon bakit siya magiging mapanganib samin. Gusto ko siya mabisita."
"Ma kumalma muna kayo, pakinggan mo muna si A...Aizen."
"Natatandaan niyo po ba nang magtago ako sa inyo ng isang linggo. Siya po ang pinagtataguan ko noon, ang mga lalaking armado na nakita ng mga taga looban.... ay mga tauhan niya po. Balak niya po kong kunin at patayin"
"Bakit niya gustong ipapatay ka?"
"Iba po ang klase ng sakit sa pag iisip ni Kurt. Isa po siyang psycho patient. Wala pos siyang iniisip na tama o mali, ang gusto lamang niyang gawin ay matupad ang kanyang mga pagnanasa at tawag ng laman."
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
FanfictionBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...