Chapter 43 Ang Katotohanan

499 46 19
                                    


    Narito na ako ngayon sa lugar kung saan ako pinapupunta ni Kurt. Isa itong maayos na warehouse na malayong malayo sa inaakala ko. Hindi gaya sa  luma at abandonadong warehouse kung saan ako idinala ni Brent noon nang ako'y kidnapin niya at ng pinsan kong si Lance noong dukutin ako.

      Hawak ko ang dokumentong kinuha ni Kiskey na nakalagay na sa bagong brown envelope dahil ang dating pinaglagyan nito ay nabahiran ng dugo gawa ng pagsabog ng granada.

     "Aizen may nakikita ka bang kahina-hinala sa paligid." dinig kong  tanong ni Brent mula sa state of the art equipment na maliit na spy camera radio na  nakatago sa collar ng aking damit.

      "Wala akong nakikita dito sa paligid." tugon ko.

      "Okay basta tandaan mo lang ang lahat ng plano na napag usapan natin sa headquarters." mahigpit na bilin sakin ni Brent.

      Naalala ko kaninang umaga sa headquarters kung saan nakapalibot kami kasama ang napakaraming mga bodyguards, ang Alpha team at mga pulis sa mahabang lamaesa. Sa dingding naman ay may nakakabit na maraming screen. Mapapanood dito ang cctv footage ng mansyon at ng building ng Shau-Chen Corporation. May nakahiwalay na lamesa naman  kung saan may mga technical staff na nakamonitor sa sa mga cctv footage at sa mga bodyguards na nagbabantay sa bawat isa sa miyembro ng aming pamilya.

      Minsan ko na narinig sa radyo ni Brent ang 'base' noong nagsisilbi pa siyang personal bodyguard ko. Iyon pala ang ginagawa sa Headquarters.

      Hindi kasi pinaalam ng Security Aid saming mga Shau-Chen kung paano nila gingawa ang kanilang trabaho. Kung paanong kahit anong gawin kong pagtakas sa mga bodyguards ko kabilang na sila Brent at Cedrick noon ay natutunton at natutunton pa rin nila kahit saan ako magpunta. Ganoon kagaling ang Intelligence at sobrang mahigpit na pagbabantay nila sa pamilya namin simula noon pa sa kay Chairman Mao. Isa Papa Vergel na ama ni Brent at personal bodyguard niya.

      Napatingin ako sa phone ko nang magring ito at isang unregistered number muli ang tumatawag sakin.

     "Brent may tumatawag sakin." saad ko.

     "Baka si Kurt na yan, kinakailangan mo ng pumasok sa loob. Wala naman kaming nakikitang bantay mula dito sa aerial view, basta Aizen kung mangyari tawagan mo lang kami agad. Kunin mo ang lahat ng impormasyon diyan sa paligid mo, kung nasaan si Razzo."

       "Gagawin ko lahat Brent."

       "Hello, speaking. Sige papasok na ko sa loob." sagot ko kay Kurt na nasa kabilang linya.

      Pagkasabi ko nun ay pumasok na ko sa loob ng warehouse. Madilim ang loob nito tanging liwanag lang sa isang lamesa ang nakapukaw sakin ng pansin. Paglakad ko ay bigla na lamang umilaw ang tila mga punong tuyot na gawa sa crystal o yelo.  Naimagine kong parang nasa set ako ng pelikula o dekorasyon sa reception venue ng kasal o debut.

      Patuloy pa ko sa paglapit at tama nga ang naisip ko parang nasa reception nga ako ng isang kinasal. Ano naman itong pakana ni Kurt at may pa candle light dinner pa siyang nalalaman.

      "Aize, bakit tahimik ka? Anong nangyayari diyan sa loob?" tanong ni Brent.

       "Nagtataka lang ako dito sa loob Brent parang may mali, parang gusto pang makipag laro sakin ni Kurt. May dinner table dito sa gitna at hindi pa nagpapakita si Kurt."

     "Kung ganoon sakyan mo lang ang kabaliwan ni Brent kung maari tiyakin mong safe ka sa loob..."

     Hindi pa man tapos magsalita si Brent sa maliit na spy camera ay dumating na si Kurt.

     "Bakit hindi ka maupo Angelo." Bungad niya sakin at katulad ko may hawak din siyang brown envelope.

     "Dont call me Angelo at hindi yun ang pangalan ko Kurt. Ano na naman ba itong larong gusto mong gawin. Isinasauli ko na ang mga dokumento na pag aari mo kaya pakawalan mo na si Razzo."

[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon