Aizen
Kakatapos lang ng meeting namin tila naubos lahat ang laman ng utak ko sa mahabang deliberation.
Hindi nagkakasundo ang Board of directors at stakeholders sa expansion ng hotels and casino sa Asia. Hindi ko alam bakit nag aalinlangan ang isip ng mga kano na magtayo ng hotel and casino sa Hongkong.
"Coffee?" aloko ni Mr. John.
"Thank you Mr. John pero ayaw ko muna magkape ngayon."
Sinisikmura ako lagi dahil sa napapadalas kong pag inom ng kape. Naiwan kami ni Mr. John sa loob ng conference room. Napahawak ako sa ulo ko.
Bakit ako lang humaharap at kumakausap sa Board hindi ba dapat narito rin si Kurt. Ilang linggo na siyang hindi ko madalas nakakasama ni hindi siya sumasagot sa tawag ko kapag may ganitong maraming trabaho sa hotel at laging may emergency meeting.
Napatayo ako sa makapal na glass wall na tanaw ang buong las Vegas. The city that never sleeps ika nga. Nagtataasan ang mga building ng mga hotel and casino at kung anu-ano pang mga business establishment. Masiglang masigla ang siyudad na ito nagbibigay ng pag-asa sa lahat ng taong gusto ng oportunidad. Sa umaga ay abala ang mga tao sa pagtratrabaho at sa gabi naman ay buhay na buhay ang mga makukulay na liwanag na umaaliw sa mga taong dumarayo dito upang magpakasaya, maglustay ng pera at makasabay sa ingay ng siyudad.
Nakailang ulit na ko ng dial sa numero ni Kurt ngunit hindi pa rin siya sumasagod.
"Sagutin mo please Kurt nag aalala na ko sayo."
"Nasaan ka ba bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"
Paulit-ulit kong tinatawagan sa Kurt ngunit tulad ng mga nakaraang araw ay hindi siya sumasagot.
"Mr. John nasaan na nga ba si Kurt ngayon? Matagal na siyang hindi ko nakakasama?" Tanong ko sa matandang lalaking naging ama amahan ni Kurt.
Nakatingin lamang sakin pero nahalata kong naging malikot ang mga mata niya kahit nakasuot pa siya ng salamin.
"I have no idea where is Kurt Now." Matipid niyang sabi.
Hayy sana di na lamang ako nagtanong dahil wala na rin naman akong nakuhang sagot mula kay Mr.John. Hindi ko tuloy maiwasan na mag isip na baka may iba nang kinakalantari si Kurt. Minsan isang umaga nagising akong wala siya sa tabi ko kaya hinanap ko siya sa office niya. Inisip ko marahil ay maaga siyang nagtrabaho dahil may aasikasuhin siyang importante. Nagtaka ako nang bigla lamang na may lalaking lumabas saking silid. Hindi ko magawang sumbatan o magtanong kay Kurt dahil natatakot akong magalit siya. Ayaw ko na ulit maranasan ang sakit ng katawan nang saktan niya ko dahil sa sobrang galit niya noon.
Aaminin kong mahal ko na rin si Kurt kahit papaano. Hindi ko alam kung bakit minsan ay totoo ang kanyang sinasabi. Pero mas madalas katulad nito hindi ko siya mahagilap. Nakakapraning!!! Ano ba itong nasadlakan? Ito nga ba talaga ang dati kong buhay bago ako mawalan ng alaala.
Hanggang ngayon ay di ko pa rin lubusan kilala si Kurt. Hindi pa nabubunyag sakin ang mga itinatagong lihim niya ayon kay Bryce. Isa rin itong si Bryce maingat na sa pagbigay sakin ng impormasyon may ikinatatakot ba siya kung may malaman ako. Pero clueless pa rin ako sa ibang aktibidades ng boyfriend ko, bukod sa ang katotohanang ang Ama ni Bryce ang nagmamaayri ng lahat ng ari arian ng mga Rutherford.
Malalaman ko lang siguro kapag nagbalik na ala-ala ko.
"Tuloy ang flight ko Mr. John kahit magparamdam ngayon si Kurt magtutungo pa rin ako sa Pennsylvania."
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
FanfictionBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...