Sobrang Bilis ng pagpapatakbo ng motor ng lalaking pinaghihinalaan kong si Brent. Napayakap ako ng todo sa kanyang bewang hindi sa dahilang hindi ako sanay umangkas sa motor. The reason is aatakihin na naman ako ng panic attack dahil sa nangyari.Nanginginig ang buong katawan ko, nahihirapan akong huminga na parang may nakadagan na mabigat na bagay sa dibdib ko. Nag-umpisa na naman akong maiyak nang ipikit ko ang aking mga mata. Pumapasok sa isip ko ang kalunos lunos na sinapit ng mga kaibigan kong sila Bryce, Tanner, Zarchy at Lalong lalo na si Kiskey.
Naramdaman ng lalaki ang pagyakap ko sa kanya kaya kinuha niya ang mga kamay para kumapit sa kanyang bandang ibabang dibdib.
Inalala kong muli ang tagpo sa lalaking basta na lamang akong tinangay sa pinangyarihan ng pagsabog. Gusto kong kumpirmahin kung hindi ba ko nagkakamali na si Brent ang kasa kasama ko ngayon.
Tinatahak namin ang kahabaan ng Edsa nang bigla na lamang umulan, Kaagad kong naisip sa wakas makikilala ko na rin ang lalaking ito. Huminto kami sa isang waiting shed na walang katao tao para sumilong.
Kung masamang tao o tauhan ni Kurt ang lalaking nasa harapan ko hindi ito mag aaksaya ng panahon na saktan ako o dalhin agad ako kay Kurt. Nagmamadali ang lalaki inalalayan akong makababa ng motor. Dali-dali kaming sumukob sa waiting shed. Matapos niyang iginiya ang motor sa loob ng waiting shed ay dumukot ito sa bulsa ng panyo.
Pinunasan ng lalaki ang naghalong tubig ulan at luha ko sa aking pisngi. Pinunasan niya din ang ilong, noo, at buhok ko ng panyo. Akma niya akong yayakapin marahil napansin niya siguro ang di normal na panginginig ko. Pero nilalabanan ko ang panic attack na nararamdaman ko dahil doon tinangka kong tanggalin ang kanyang suot na helmet. Kumilos din ang lalaki para tanggalin ang kanyang helmet.
"Brent Ikaw nga, ikaw nga Brent ang nasa harapan ko."
Halos pasunggab ko pang nayakap si Brent dahil sa pananabik, pagkatuwa na makita ko siya muli. Muli sa nanlalamig komg pisngi dahil naulanan ako. Ramdam na ramdam ko ang maiinit na luha na pumapatak sakin pisngi.
"Ikaw nga Brent, Akala ko tuluyan mo na akong iniwan."
Humahagulgol ako habang sinasabi ko ang mga salitang iyon. Parang may nakapasak sa lalamunan ko na masakit. Pero tuloy pa rin ako sa pagsasalita habang umiiyak.
Niyakap naman ako ng sobrang higpit ni Brent tahimik lang siya at pinakikinggan ang lahat ng sinasabi ko. Yun hirap kasi ng pinagdadaanan ko tapos yun tanging nagiisang tao lang na masasandigan ko, mahihingan ko ng tulong, karamay ko, tagapagbantay at tagapagtanggol ko noon heto nasa harapan ko na ngayon. Ang laking kaluwagan sa dinadanas kong hirap ngayong narito na si Brent.
"Alam mo naman kung gaano kita kamahal di ba? Kahit na inakala ko noon na kasalanan ng buong pamilya ng mga Shau-Chen ang nangyari sa buhay nila Mama Mira at Papa Vergel mahal na mahal pa rin kita noon, kahit anong galit ko kay Mommy Ives at Chairman Mao noon hindi nagbago ang pagmamahal ko sayo noon at hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita."
"Ang daya daya mo sinasabi mo mahal mo ko pero lagi mo naman akong sinasaktan. Ikaw nga ang tagapagbantay, Bodyguard ko pero sinasaktan mo ko." atungal ko na parang batang umiiyak.
"Pasensya ka na kung marami akong pagkukulang sayo, napakarupok ko ang dali kong sumuko sa pagsubok ng ibinibigay satin ng tadhana. Hindi natin close si tadhana kaya pinahihirapan niya tayo." nagawa pa rin magpatawa ni Brent sa kabila ng lahat.
"Hindi ako natutuwa sa joke mo, nakakaasar ka ang bilis mong sinusukuan ang mga pagsubok. Ang bilis mong maniwala kay Kurt hindi mo man lang naisip na gusto niya tayong paghiwalayin dalawa." giit ko.
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
FanfictionBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...