Makalipas ang anim na buwan....Pagpasok ko sa opisina ng chairman nakita ko si Brent na nakaharap sa malaking salamin. Hinahanda na niya ang sarili sa board meeting na magaganap mamaya. Hawak pa niya ilang files habang nagpapractice ng sasabihin sa report ng mid year sales at revenue income na kinita ng aming kumpanya sa nakalipas na kalahating taon.
Tuwang tuwa ako sa namamalas ko sa kanya. Mayroon ng guwapong chairman ang Shau-Chen Incorporation. Madali na para kay Brent ang matutunan ang lahat ng dapat niyang malaman sa kumpanya. Napakabilis din niyang mag adjust dahil tulong-tulong sila Kiskey at Miles sa paghubog sa kanya bilang isang mataas na lider ng kumpanya. Noon kasi may pagka mainitin ang ulo ni Brent sa ibang bagay except sa mga bagay na tungkol sakin. Lahat ay naging posible para kay Brent dahil ako ang naging mentor niya. Ganoon ko kamahal si Brent na maski ang kakulangan niya ay niyakap ko
Nilapitan ko siya at napansin kong may suot siya black na mahahaling shades.
"Oh Men in Black ka pa rin para kang manghuhuli ng alien niyan." Sabay tawa ko kasi ganoon kasi ang uniform ng mga bodyguards ng VIP o miyembro ng aming pamilya.
"Hindi mo na kailangan suotin ito isa ka ng Chairman ng kumpanya."
"Zenzen..." sambit ni Brent nang tanggalin ko ang shades niya.
"Kaya naman pala eh tinatakpan mo eyebags mo. Heto kasi solusyon diyan."
Lumapit ako sa desk ko para kumuha sa drawer ng concealer na gamit ko.
"Ito kasi ang ginagawa ko para di ako mukhang puyat na haharap sa mga meeting at special na occassion pinupuntahan ko." Sabay pahid ko ng concealer sa mga eyebags ni Brent.
"Isang linggo na kasi akong puyat eh, di mo ko pinapatulog." Nakangising sabi ni Brent.
"Ako talaga," apila ko.
"Ano nga yun sinasabi mo sakin gabi-gabi? Pagurin kita para makatulog ka kagad dahil hindi ka makatulog dahil sa papalapit ng board meeting."
"Biro lang di ba nangako ako sayo na palagi kitang paliligayahin at saka yun nga di ako pinapatulog gabi gabi nitong board meeting na to kaya tuloy nagka eyebags ako."
Hawak ni Brent ang baywang ko nang kabigin niya ko papalapit sa kanya.
"Isa ngang pampaswerte diyan." Wika ni Brent nang tangkain niya kong halikan.
"Wait baka biglang pumasok sila at mahuli tayo." Saway ko.
"Lagi naman nila tayong nahuhuling sweet minsan dito sa opisina ah kaya okay lang yun."
"Oo sa kanila sanay na sila Kiskey, Miles at Cedrick na nakikita tayong naglalambingan pero iba na ngayon may bago tayong recruit sa grupo natin."
"Ha bagong recruit! Sino naman?" Nagtatakang sabi ni Brent.
"Gusto mo na sila ma-meet?" Abot tengga ang ngiti ko at tiyak na magugulat si Brent kapag nakita niya ang mga tinutukoy ko.
Pinundot ko yun switch sa ilalim ng desk niya.
"Hindi ko alam na may ganyan dito sa opisina!" Sambit ni Brent nang makita niyang bumukas ang pinto at pumasok isa-isa sila Kiskey sa opisina.
"Actualy may secret button para sa nakatagong room dito sa opisina kaso di ko sasabihin sayo baka kasi alam mo na.... Di ka makapagpigil." Bulong ko na may kasamang pang aaliw kay Brent.
"Ha may ganoon pala dito sa opisina, sabihin mo na para may privacy tayo." Bulong ni Brent.
Nakita ko siyang kumagat labi matapos niyang bumulong sakin.
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
FanfictionBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...