chapter 27 Pangangaliwa

662 46 7
                                    


    Nagising ako ng  katok mula sa pinto, nakatulugan ko na pala ang gingawa kong pag rekisa at re-study ng mga pinasok na kahina hinalang project ni Chairman Ponce sa kumpanya

    Bagamat bahagya pang inaantok ay bigay todong ngiti ang ipangsasalubong ko kay Brent.

    Parehas pa kaming nagulat ng taong napagbuksan ko ng pinto.

    "Aki?"

    "Aizen?"

    "Ba...Teka...kwan..sige mauna ka na munang magsalita." sabay naming sabi.

    Halos sabay na sabay at pareho ang mga salita lumalabas saming bibig ni Aki.

    Natawa siya habang ako naman alangan ngumiti dahil sinasapian pa rin ako ng antok. Isang bagay ang napansin ko kay Spocky, napaka guwapo na ngayon, kaysa nun huling napabisita ako sa milktea shop.

     "Bakit gising ka pa Aizen?"

     "Pumasok ka kaya muna?"

     "Oo nga pala." nakangiti si Aki habang nagkakamot ng batok na pumasok sa unit ko.

      "Alas dose na ng madaling araw ah?"

      "Pasensya na sa storbo, nagmeeting pa kasi kami nila Zeke  tapos dumaan pa ko ng bahay para kunin itong regalo ko sayo."

      Nabigla ako dahil alam niya bang birthday ko?

      "Happy birthday Aizen!"

      Yun na nga alam nga niyang birthday ko.

      "A-ano yan?"

      "Bracelet."

      Binuksan niya ang box sabay kuha niya ng bracelet sa loob.

      "Ang ganda naman niyan para ba sakin talaga yan?"

     "Yun braso mo dali, para maisuot ko sayo yun bracelet."

     Blangko ang isip ko na sinunod ko si Spocky. Medyo nakakadama kasi ako ng awkwardness dahil bigla kasi sumagi sa isip ko yun alaala ng  maiksi relasyon namin ni Spocky nun time na naghiwalay kami ni Brent.

      Nararamdaman kong bigla na lamang tumitibok ang puso ko. Sobrang bilis, napaka bilis. Habang isinusuot sakin ni Spocky ang birthday gift niya sakin.

     "Thank you sa gift ah."

     "Sana magustuhan mo."

     "Oo nagustuhan ko." agad-agad kong sagot.

     "Bakit nga pala gising ka pa?" tanong niya.

     "Nandito kasi ako sa sala, nakatulugan ko na itong paglalaptop kaya ayun"

     Bakit hindi ako mapalagay na kausap siya, samantalang siya very easy lang na nakikipag usap sakin.

     "Naku pasensya na nagising ka pala kita."

     "Bali dumaan lang ako dito para ibigay sa iyo gift ko. Ahm sige uuwi na ko dun pa rin kasi ako tumutuloy sa tenement."

     "Dumaan ka lang dito para ibigay itong gift mo sakin?"
  
     Na-touch naman ako sa effort ni Spocky, dahil doon sumagi tuloy sa isip ko yun asawa kong si Brent wala pa mukhang nakalimutan ata itong kaarawan ko.

      "Puwede ko bang masilip muna ang mga kambal?"

     "Oo naman."

     Nagpauna na ko sa kuwarto para puntahan ang kambal. Naupo sa gilid ng kama si Spocky upang haplosin ang mga buhok ng mga pamangkin niya.

[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon