Kasabay kong dumating ang mga kooperatiba ng pulis sa harapan ng napakataas na building ng Shau-Chen Corporation.Pagbaba ko sa sasakyan ay kaagad akong nilapitan ng mga office staff.
"Handa na ba ang lahat?"
"Yes po CEO Aizen, nariyan na po ang mga prosecutor at mga kooperatiba ng mga pulis."
"Si Chairman Ponce?" muling tanong ko kay Miles.
"Kasalukuyan po silang nag me-meeting sa conference room."
Hinarap ko ang prosecutor, at ang mga pulis.
"Gusto kong maging mapayapa ang pag aresto sa mga may asunto, ayaw kong may masasaktan sa loob."
"Masusunod po Sir."
Naunang lumakad ang mga security aid ko na mga nakasuot ng suit. Muli na naman nagbalik sa alaala ko si Brent, naalala ko na saan man ako magpunta ay lagi siyang nakabantay kasama si Cedrick. Ngayon panahon na kailangan na kailangan ko si Brent, sinisikap ko pa rin tawagan siya ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko.
Napahinto ako sa paglalakad para huminga muna ng malalim, nag umpisa na naman akong makaramdam ng tension.
"Sir Okay lang po ba kayo?" tanong ni Miles.
"Sir hindi niyo na po kailangan sumama sa pag aresto sa mga kakasuhan." ani ng Prosecutor.
"Huwag niyo kong alalahanin, inihanda ko lang ang sarili ko."
Nagpatuloy kami sa pag lalakad, pumasok kami sa elevator paakyat ng twelfth floor kung saan naroroon ang conference room.
Hinarangan kami ng mga nagbabantay sa pintuan ng conference room.
"Sir hindi po kayo maaring pumasok kasalukuyan pong nag memeeting sa loob."
"Nahihibang na ba kayo, ang apo ng nagtatag ng kumpanyang ito na siyang nagmamay ari na ngayon ang ayaw ninyo papasukin sa loob." galit na sabi ng isa sa mga head ng mga department dito sa kumpanya.
"Pasensya na po napag utusan lang kami."
"Kunting hinahon lang." sabi ni Miles.
Dito na pumasok ang Prosecutor dala ang warrant of arrest para sa mga kakasuhan na sila Chairman Ponce at iba pang mga ditectors.
Walang nagawa ang mga bantay ng pumasok kami sa Conference room.
Nagulantang pa ang mga nasa meeting nang punasok ako kasama mga staff at mga pulis.
"Anong kaguluhan ito?" tanong ni Chairman Ponce.
"Inaaresto po namin kayo sa salang pagnanakaw ng pera sa kumpanya at pagbibigay ng suhol sa mga ahensya ng gobyerno, may karapatan po kayong manahimik o magsawalang kibo, Ano man ang sasabihin ninyo ay maaring maging pabor o laban sa inyo.ay karapatan po kayo kumuha ng abogado o kung wala kayo maluhang abogado amg gobyerno ang magbibigay sa inyo para ipagtanggol kayo." lahad ng pulis na naglagay ng posas kay Chairman Ponce.
"Malaking kalokohan ito." sigaw ng mga kasabwat na direktor ni Chairman Ponce.
Nilapitan ako ni Chairman Ponce para titigan at kutyain.
"Hindi ko alam na may pangil din pala ang binabaeng apo ni Chairman Mao!"
"Tama na yan ang dami mo pang sinasabi." sigaw ng mga staff ko.
"Kung alam ko lang na mangyayari ito na pababagsakin mo ko sana ay hindi na lang kita tinuruan, walang utang na loob!"
"Sige na kilos na sa presinto na kayo magpaliwanag."
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
FanfictionBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...