This chapter is dedicated to: sasusaku15 BabykoohJB CyrilBurgos SeraphChie GenNaruTo Nard031295 LouieJayAgnes Aarrjjaayy12 JohnEricksonMirasol enre08 cjedie12
Bago mawala si Brent
lihim niyang sinusundan si Aizen. Basta hindi niya kasama si Kurt ay binabantayan niya si Aizen. Magmula sa pag alis ni Aizen sa mansyon at papasok sa opisina ay palihim siyang nakatanaw sa pinakamamahal niyang asawa. Minsan nakikita niya ang kambal sa loob ng malawak na garden na maitutumbas sa lawak ng isang mall, naisin man niyang lapitan ang mga anak ay hindi niya magawa sapagkat nagiingat siyang mabuti na huwag masundan ng mga tauhan ni Kurt.
Mahal na mahal pa rin niya si Aizen kahit nagkaroon sila ng matinding alitan ay umaasa pa rin siyang makakausap niya si Aizen ng tanging sila lamang. Nagseselos man siya dahil madalas niyang nakikitang magkasama si Aizen at Razzo, ang tanging iniisip niya ay very hands on kasi Aizen sa gingawa niyang project ng Shau-Chen Corporation. Gaya ng pagiging isang champion ni Aizen sa larangan ng Archery , ganoon ang ugali at motivation sa sarili niya tila bulls eye ang tingin ni Aizen sa anumang bagay na gusto niyang makamit at proyektong gustong ma accomplish.
Isang beses nang makita niyang nagkakarerahan ang kambal sa garden. Napaluha siya dahil dito.
"Marunong na pala magbisikleta ang kambal ko." sabi ni Brent sa sarili.
Pangarap niya noon na turuan ang kambal ng mga bagay na nais niya gaya ng pagbibisikleta, basketball at kung anu-ano pa bilang ama. Ayaw niya kasing matulad sa kanya ang mga anak niya na lumaking hindi kapiling ang sariling ama.
Matatandaan na lumaki si Brent bilang ama ng tahanan dahil lumayo si Mang Vergilio sa kanila upang takasan sa kinasangkutan eskandalo nito sa pamilya ni Aizen. Simula noon ay nagtanim siya ng galit kay Chairman Mao at Vice President Ives (Mommy ni Aizen)
From Book 1 My Bodyguard My Lover
Lalaking tinawag na brusko (Brent) POV
Kung alam mo lang kung ano sinapit ng buhay ko, buhay ng pamilya ko kagagawan ng pamilya mo. Naghirap kami dahil iniwanan kami ng ama ko dahil sa kasakiman ng lolo mo. Ngayon panahon na para makaganti kami , para sa ina ko.
Patuloy kong tinitingnan ang tagapagmana ng Shau-chen Family. Nag uumpisa ng pumutok sa dibdib ko ang galit ko pero nakita kong pumapatak na ang mga luha sa kanyang pisngi. Nakadama din ako ng awa sa sasapitin niya pero hindi ko hawak ang tadhana mangyari ang dapat na mangyayari kaya sumalok ako ng kanin at ulam sa kutsara para isubo sa kanya. Ngunit di nito binubuka ang kanyang bibig.
Hindi naman ako likas na masamang tao nahahabag din ako sa kalagayan niya kahit malaki ang atraso ng pamilya niya sa akin. Ngunit sa isang banda mas nanaig ang awa ko sa kanya lalo na ng marinig ko ang kanyang sinabi.
End of Pov
Pero nakadama ng kung ano sa puso si Brent nang ma meet na niya si Aizen. Sa halip na gantihan at patayin ay tinulungan na lamang niya ito na makatakas sa mga kapwa niya holdaper.
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
FanfictionBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...