BrentSunod sunod ang putukan ng baril na maririnig sa isang napakalaking hacienda na hindi ko alam kung sino ang nag mamay ari.
Napatingin ako sa dalawang kasama ko si Kiskey at isang hindi ko kilalang lalaki na mukhang may lahi din tulad ni Kurt. Sino siya bakit kasama namin siya ni Kiskey? Anong ginagawa namin sa lugar na ito?
Sunod pa putukan ng mga baril kaya sinabihan ko ang dalawa na humanap ng mapagkukublihan. Mula sa loob ng bahay ay nagsipaglabasan ang ilang mga kalalakihan ang iba ay pinoy at iba ay mga foreigner.
"Quick go to the backdoor" utos sakin ng lalaki.
"Halika na Kiskey."
Bitbit nito ang mga tila na papeles na ibinigay niya sa hindi ko kilalang lalaki.
Patakbo na kami ng bigla kaming pinaulanan ng bala ng ibang grupo.
"Ge them!" isang pamilyar na tinig ang umalingawngaw sa napakalaking loob ng mansyon.
"Nandiyan na si Kurt." halata sa tinig ng kasama namin ni Kiskey ang takot.
"Lumabas na tayo!" sigaw ko.
Pinauna kong tumakbo sila Kiskey at ang lalaking hindi ko kilala. Habang tumatakbo sila ay nagpakawala ako ng bala. Humahangos kaming tumatakbo papunta sa likuran bahagi ng mansyon.
Nakarating kami sa likod nang mansyon
"Sir Brylle sumakay na kayo dito." wika ng isang foreigner.
Napaisip ako ng makita ko ang foreigner na nagtatagalog pero nagulantang ako sa pagtama ng mga baril saming direksiyon.
Pinaputukan ng foreigner ang mga humahabol samin ngunit hindi namin kaya tapatan ang grupo ng mga naka uniporme ng suit.
"Kiskey mauna kayong tumakas pagbigay ko ng hudyat tumakas na kayo, pilitin ninyong makalapit sa lalaking iyong."
"Kuya Brent delikado ang gagawin mo."
"Kung hindi tayo kikilos lahat tayo ay mapapahamak.
"Kuya Brent."
"Magiingat kayo, sigaruduhin mong magkikita kayo nila Aizen kung ano man ang nasa dokumentong iyan."
"Mga katibayan yan na kailangan namin ni Aizen para mapabagsak si Kurt!"
"Tara na Sir Brylle."
"Kung ano man ang mangyari sakin pakisabi sa kanya na Mahal na mahal ko siya, siya pa rin ang mamahalin ko sa kabilang buhay."
"Kuya Brent hindi ka namin iiwanan dito."
"Halika na Sec. kiskey umalis na tayo."
"Ngayon na!"
"Pinagpuptukan ko ng baril ang grupo ng security aid na humahabol samin."
"Bwisit naubusan na ko ng bala."
Napatingin ako kanila Kiskey na malapit na sila makarating sa lalaking naghihintay sa van.
Itinaas ko na mga kamay ko nang lapitan na ko ng mga lalaking tumutugis samin.
"Relax lang wala na kong bala!" mariin kong sabi.
Hahawakan nila ko saking mga braso ng biglang tinamaan ng pana ang isa sa mga lalaking dadakpin ako. Sunod-sunod na tinamaan ng pana ang mga lalaki sa harapan ko. Nang silayan ko ang kung sinong sharp shooter na na nagpatumba sa hindi mabilang na mga lalaki.
"Aizen!" sigaw ko ng mamukhaan ko siya sa malayo. Nakasuot siya ng itim na damit.
"Brent!"
Isang putok ang umalingawngaw, Mukhang nanggaling yun kay Kurt na may hawak din na baril.
![](https://img.wattpad.com/cover/246320022-288-k738327.jpg)
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
FanfictionBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...