Chapter 41 Ang Kasamaan ni Kurt

469 51 22
                                    

   
    "Aizen? Narinig mo ba lahat?" gulantang si Bryce.

    "Sagutin niyo ang tanong ko! Anong kinalaman ko sa nakaraan niyo ni Kurt? Bakit kilala niya ako!"

    "Aizen." sambit ni Razzo na parang binuhusan ng suka sa niyerbiyos.

    "At bakit alam mo ang mga bagay na ito? Samantalang all of your life wala kang alam na katiting sa kakambal mo!"

     "Bakit hindi ako alam bagay na ito Bryce!"

     Nakakaramdam ako ng galit kay Bryce dahil bakit hindi niya sinabi, sinasabi ang mga bagay na ito kahit kailan. Si Razzo hindi ko maunawaan kung  paano niya nalaman ang mga bagay sa nakaraan ni Kurt. Samantalang guwardiyado siya ng mga bodyguards ko, namomonitor ko din ang pang araw-araw na schedules at activities niya sa pagmomodelo. Sinong nagsabi sa kanya ng bagay na ito.

    "Im sorry Aizen kung hindi ko nasabi sayo noon ang bagay na ito. Nasabi ko sayo kung gaano ko kamahal si Kurt noong mga bata pa kami. Pero hindi niya ako magawang mahalin dahil sayo."

     "Bakit dahil sakin?" pagtataka ko.

     Isang die hard fan mo noon si Kurt, nakita ka niya sa isang sports magazine ilang buwan bago sumapit ang Olympic games sa New York. Noon una akala ko naging fanatic lang sa iyo si Kurt na humahanga sayo ng sobra sobra. Walang araw na hindi niya mababanggit ang pangalan mo. Madalas gumagawa siya ng mga tula at mga kuwento tungkol sa inyong dalawa. Yun kuwarto na ayaw niya patingnan sayo ay mga litrato mo at mga pintang guhit ng mukha mo ang naroroon ganun siya ka obsess sayo. Binalak pa niya noon na pumunta dito sa Pilipinas para makausap ka, pero ang laki ng tuwa niya ng malaman niya kalahok ka sa gaganapin Olympic games."

      "Kasalanan ko kung bakit siya nadisgrasya nabangga ang kotse ng ipautos kong pigilan siya sa pagpunta sa Olympic games kung saan kinabukasan ay palaro ng Archery. Dahil sakin kaya nagkatamo ng brain injury. Kasalanan ko kung bakit siya nagkaroon ng diperensya sa utak, kasalanan ko kaya nagkakaganyan ngayon."

     Napatakip na lamang ako ng bibig sa natuklasan ko. Hindi ako makapaniwala sa mga inamin sakin ni Bryce. Siya ang dahilan ng lahat ng pagpapahirap na nararanasan ko kay Kurt.

     Si Razzo naman ay parang maluha luha sa pagkakatayo niya malapit sakin, marahil ay nagkaroon na siya ng awa sa kinasapitan ng kakambal niya.  Ang bagay na iyon ay nagdulot ng pangamba sakin. Hindi ko tuloy maiwasan magkaroon ng pangamba kay Razz. Hindi na ako kampante at lubos ang tiwala sa kanya the fact na may nalalaman na siya tungkol sa nakaraan sa kapatid niya.

      "Ikaw Razzo kailan mo pa nalaman na may matagal nang obsess sakin ang kakambal mo!"

       "Itong bago mag turnover ceremony, kalalabas ko lang photoshoot kinausap ako ni Mr.John at marami kaming napagusapan..."

     Hindi pa tapos magsalita si Razzo ay sumiklab na ko sa galit...

     "Napakagaling ninyo, pinagkatiwalaan ko kayo naging mabuti ako sa inyo tapos heto hindi kayo naging tapat sakin. Alam niyo ba kung ano nararamdam ko sa ngayon? Ikaw Bryce ginamit mo lang ako para sa kapakanan mo, dapat supposedly sa balikat mo nakapasan ang lahat ng bigat ng problema kay Kurt na nararanasan ko." 

     Binalingan ko naman si Razzo.

     "Anong dahilan para pakinggan mo si Mr.John? Hindi pa ba sapat ang mga nakikita mong paghihirap ko, kulang pa ba na makita mong halos patayin ako ng mga tauhan ni Kurt! Sa tingin mo katulad mo siguro katulad ni Bryce na may inililihim pa ko sayo? Kulang pa ba na alam mo ang lahat lahat ng bagay sa buhay ko."

      "Aizen hindi naman sa ganoon gusto ko rin kahit papaano malaman ko kahit kunti kung bakit nagkaganun ang kakambal kong si Kurt."

      "Pero Am i deserving this, of all the people ako pa ang huling makakaalam kung bakit nagkaganoon si Kurt. Sinira niyo ang pag tiwala ko, Im done with this! From now on I have nothing to do with your lives!"

[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon