Razzo
Pinilit kong makalapit kay Aizen na naiipit sa gitna ng mga taong nagkakagulo, takot na takot ang mga tao kaya tuloy naggigitgitan at at nagkakatulukan.
Gayunpaman pinilit ko makalapit kay kaso, Nak ng putsa tong mga taong to hindi ko tuloy makalapit kay na ngayon ay umiiyak na si Aizen.
Bahala na manunulak na ko ng mga tao bwisit tong mga to!
Ganoon nga ang ginawa ko ilang tao rin ang itinulak ko para makalapit kay Aizen, malapit na saglit na lang.
Nawala sa paningin ko si mula sa kinatatayuan nito ay may niyakap siyang isang Ale, nagiiyakan ang dalawa marahil nagbalik na nga siguro ang kanyang ala-ala, marahil nakiya na niya ang kanyang magulang.
Nanlambot ang tuhod ko dahil doon, kung kanina ay di ako nakararamdam ng panghihina mula sa mga taong nagsisiksikan, napatangay na rin ako sa dagsa at agos ng mga tao.
Nakita na niya ang pamilya niya.
Lord ang bait niyo talaga. bakit agad-agad niyo naman dininig ang dalangin ko? Bakit naman instant sinagot niyo agad ang hiling ko. Hindi pa ko nakahandang palayain si Aizen, hindi ko pa kayang mawala siya, ngayon din agad Lord.
Napahawi na lamang ako ng aking buhok nang makita kong inalalayan na mga lalaking nakasuot ng suit na itim sila Aizen. Napatayo na lamang ako at di ko na nagawa pang lapitan si Aizen hanggan sa sumakay na sila ng van.
Malungkot akong umuwi ng bahay, wala ni isa man akong kinibo sa mga tambay na mga bumati sakin.
Deretso akong umakyat sa second floor na ipinapagawang appartment ni Poldo.Naupo ako sa bangkuan sabay suot ng sumbrero para maitago ang lungkot sa mga mata ko. Namalayan kong may taong umakyat at naupo sa tabi ko. Tinapik tapik ni Poldo ang balikat ko sabay abot ng bote ng red horse.
"Inom na lang muna tayo lods pang chill."
Kinuha ko ang bote ng red horse na ibinigay ni Poldo at saka tinungga. Hindi ko man tinitingnan si Poldo ay alam kong tumutungga din ito ng bote ng alak. Sa lahat ng pagkakataon nababadtrip ako, malungkot , nakipagbasag ulo si Poldo lang ang nakakalapit sakin para samahan akong magmukmok at magpahupa ng galit o sama ng loob.
"Okay lang yan Lods, alam ko magkikita pa rin kayo ni Miss beautiful. Mark my word!"
"Sana nga!"
"Iba ang tama mo kay Miss beautiful ah first time kitang makita magka ganyan eh!"
"Hindi ko namalayan eh nahulog na loob ko sa kanya, pambihira buhay to ni wala pa ngang isang linggo natin nakakasama si tsekwa na in love na ko sa kanya."
"Okay lang yan lods hindi naman kabawasan ng pagkatao ang magmahal ng bakla, silahis o kung ano pa man yan. Walang nabago ikaw pa rin ang lodi nitong looban, ikaw pa rin ang tropa ko na mapagmahal sa pamilya. Welcome to the club lods."
Nagtoss kami ng bote ni Poldo.
"Parehas na tayong kupal!"
"Mga guwapong kupal!"
Sabay tawa namin dalawa ni Poldo.
Aizen
Pagkabukas ng van iniaabot sakin ni Chairman Mao ang kanyang kanang kamay, nakangiwi ang labi niya at hirap na hirap na kumilos ang lolo ko.
Kaagad na hinawakan ko ng aking dalawang kamay ang palad niya. At pagkatapos ay niyakap ko mahigpit si Chairman Mao.
"Mmnngg Ainen!!"
"Na-stroke ang Lolo mo, Anak dalawang taon na ang nakalipas,
"Magpagaling muna kayo Chairman Mao, huwag na po kayong mag alala sa kumpanya ako na ang bahala, patatakbuhin ko ng maayos ang kumpanya at pumapayag na rin akong maging CEO."
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
Fiksi PenggemarBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...