Pagkatapos kong magshower ay tinungo ko ang aking walk-in closet kaagad ako nagpatuyo ng katawan. Bukod sa boxer brief ay namili ako ng pajamas na isusuot.Mag iisang buwan na ang nakalipas simula ng magkamalay ako sa pagka comatose. Naisip kong kausapin si Kurt para na hahanapin ko ang mga magulang ko, parang may kung anong nasa loob ko at hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya sakin. Sa paghahanap ko kay Kurt napagmasdan ko ang buong paligid, napakalaki nitong mansyon at napakaraming silid. Inisa isa ko ang mga malalaking painting ng mga tao naka nakadikit sa bawat magarbong dingding. Nagmistulang palasyo ang buong mansyon dahil sa mga mamahaling mga muwebles at kagamitan.
Lahat ay may pagkakahawig sa isa't isa ang mga painting ng mga tao sa bawat dingding. Naisip kong hindi kaya mga ninuno sila ni Kurt, ang mga taong nakapinta sa mga paintings. Nakakapagtataka dahil iba ibang iba ang hulma ng mukha ng Ama ni Kurt kumpara sa mga ninuno nila. Napakakunot ako pinagmasdan kong mabuti na malayong malayo ang mukha ng Ama ni Kurt sa mga kalololohan at lola niya.
"Kurt." nandito ako ngayon sa harap kanyang kuwarto.
"Kurt?" sabay katok kong muli.
Patuloy ako sa pagkatok ngunit walang Kurt na tumutugon sa pagtawag ko. Nagpasyahan kong umalis at tumungo sa kusina dahil nakaramdam ako ng gutom, mag aalas onse na ng gabi. Hindi kasi ako nakakain ng husto kaninang hapunan dahil sa spanish cuisine ang inihandang pagkain sa mansyon hindi ko gusto ang lasa ng mga pagkain kanina.
Ngayon gabi lang ako lumabas ng kuwarto hindi ko mawari kung bakit nakakatakot na ang itong mansyon. Bawat sulok at parte ng mansyon ay may tila may gustong ipahayag na kuwentong naghihintay na mabunyag sakin.
Pagkadating ko sa kusina ay kumuha ako ng bread at peanut butter. Tamang tama ito na magpapaantok sakin sa gising na gising kong diwa ngayon gabi.
Naupo ako sa mataas na upuan na walang sandalan ito ata tinatawag na celebrity chair. Kumakain ako ng mapadako ang mga mata ko sa bintana, napakurap pa ko nang may makita akong anino na dumaan. Dali-dali akong sumilip sa bintana, nakita kong tila isinasayaw ng malakas na hangin ang bukas na pintuan ng Barn
o kamalig na pinagiimbakang mga palay at mga alagang hayop sa bukid.
ganoon din ang mga halaman at damo ay hinahampas ng malakas na hangin.Dala ng aking curiousity, naghagilap ako ng flashlight sa mga cabinet na naroon. Mabuti na lamang ay nakakita ko ng flashlight sa drawer na malapit sa lababo para magagamit ko. Gusto kong puntahan ang kamalig na yun na kung bakit sa ganoong oras ng gabi ay sa tingin kong may tao pa sa loob.
Binuksan ko ang pinto ng kusina palabas ng bahay. Nang mapatingin ako sa mansyon ay nasa likuran bahagi pala ito. Kaya pala noong kami'y nangangabayo ay hindi ko nakitang may barn pala sa napakalawak na lupain nila Kurt.
Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa barn, nanginig ako sa lamig na dala ng hangin. Lalo tuloy akong naging interesado ng makakita ko ang liwanag na gumagalaw sa loob ng barn. Ilang hakbang na lamang ay malapit na ko sa barn. Napahinto ako saglit dahil may narinig ako tila umuungol o dumadaing na isang tao, basta hindi ko mawari kung ungol ba yun o daing ng pagtangis. Pero natityak kong tao iyon.
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
FanfictionBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...