Alas tres na ng madaling araw ng mag closing ang gay bar na pinapasukan ko. Mag dalawang linggo na din simula ng pumasok ako dito. Noong una ay hirap ako at kamuntik pang tumulo ang luha ko dahil naawa ako sa sarili ko na pinagpipiyestahan ng mga kung sinu-sino.Nang maalala ko yun unang araw ko, nangingilid ang mga luha ko sa mata. Habang inaalala ko ito ay papalabas na kaming lahat ng mga nagtatrabaho sa gaybar. Kasa-kasama ko ngayon ang mga waiter, bouncer at ilang macho dancer na katulad ko. Yun iba kasi nagpa take out kaya tiyak malaki na naman iiuuwi nilang pera para sa pamilya nila.
Oo malaki nga ang kitaan dito kasi high class itong gaybar na pinapasukan ko hindi bababa sa apat na libo naiiuwi ko araw-araw kaso hindi pa rin sapat para sa pang pa opera ni Aiken.
Huminga ako ng malalim ng mag umpisa na naman akong mamoblema daang libo ang gagastusin para sa operasyon.
Hawak ko ang helmet ko nabg mapansin kong isa isa nang umuuwi ang mga katrabaho ko. Pasampa na sana ako ng motor ko nang tawagin ako ni Violy.
"Brent halika muna kain muna tayo sa pares!" sigaw niya sa di kalayuan.
Lumapit ako dahil nakita kong kasama niya sila Poldo at Razzo.
"Busog pa ko eh, salamat na lang." Tugon ko.
"Uwing uwi na ba Brent?" tanong ni Pareng Razzo.
"Oo miyerkules bukas eh off ko babantayan ko anak ko sa hospital bukas."
"Sana Par gumaling na anak mo." Sabi niya.
"Gusto mo sa linggo simba tayo sa quiapo para makapagdasal ka na gumaling ang junakis mo. Ang daming deboto nagpapatunay na nagmimilagro santo doon." Ani Violy.
"Sige bago pumasok dito simba muna tayo sa linggo."
Sa kalagitnaan ng paguusap namin may natanggap na tawag si Poldo.
"Yes may kliyente ako ngayon." tuwang tuwa sabi ni Poldo.
"Buti ka pa Pold's may pahabol na booking." wika ni Razzo.
"Dati ko tong customer sa spa, magpapamasahe na din kaya tiba-tiba ako ngayon." Masayang sabi ni Poldo.
Napangiti na lang akong bahagya sa kasayahan ni Poldo. Sa totoo lang kasi hirap din siyang pumick up ng mga costumer may itsura naman si Poldo kaso may kaliitan sa taas niya tantya ko 5'3 lang siya samantalang kami ni Razzo nasa 5'10.
"Ikaw Brent, ayaw mo pa rin ba magpa take out sa mga regular na tumatable sayo." Biglang tanong ni Razzo.
"Tanggapin mo na para makaipon ka ng mabilis." sang-ayon ni Poldo.
"Ano Brent gusto mo diskartehan ko na yun driver na nakapark dyan sa kabilang kalasada, ano?" Offer ni Razzo.
"Alam mo yan blue na kotse na yan palagi kong napapansin yan na nakapark dito pag ganitong oras." wika ni Violy.
"Baka customer natin?" Sabi ni Poldo
"Hindi eh, kilala ko yun mga kotse ng mga regular customer natin." Salungat ni Violy.
Tiningnan ko din ang kotse na tinutukoy nila. Nasa kabilang kalye nga ito nakapark. Hindi ko naman madalas tingnan pero sa alaala ko parati ngang may kulay asul na kotse ang nakapark sa kabilang kalye. Pero binalewala ko lang iyon dahil magpapaalam na ko para umuwi.
"Sige una na ko sa inyo!"
"Brent ano ayaw mo ba, Ikaw din!" sigaw ni Razzo.
"Pag-iisipan ko pa, saka na lang,"
Pagkasampa ko ng motor ay kaagad kong isnuot ang helmet. Mabilis kong pinaandar ang motor ko. Sa isang bahagi ng kalye ay may nakita akong kalye na madalas namin shortcut pauwi sa condo ni Aizen.
![](https://img.wattpad.com/cover/246320022-288-k738327.jpg)
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
FanficBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...