"Sir Aizen, Sir." untag sakin ni Miles.
Hindi ko alam kung gaano na ba ko katagal na nakatulala sa pagkakatayo sa malaking front door ng mansyon. Pagtingin ko nakaabang na pala ang van na sasakyan namin ni Miles. Tiningnan ko rin ang mga mukha ng mga mukha ng anim na bodyguards ko. Alam ko kahit naka shades sila, tahimik na nagmamasid, sumusunod sa mga utos ko at ginagampanan mabuti ang trabaho nila bakas sa mukha na ang pag-aalala sakin."Dada okay ka lang po ba kanina ka pa kinakausap namin ni tito Miles hindi mo kami pinapansin." pinagmasdan ko si Brandon na nakatingala sakin. Ngayon lang siya nag-alala sakin.
"Ahh... Im sorry, malalim lang ang iniisip ko. Pardon ano ulit yun sinasabi niyo sakin."
Nagtinginan pa sila Miles, Mama Mira, Mama Ives at ang kambal kung sino ang mauunang mag sasalit.
"Cedrick." Ibinaling ko ang paningin ko kay Mama Ives, Im kinda confuse what is going on. Tulala ako kanina pero nang magbalik na ko sa realidad parang hindi lang ang isip ko ang lutang. Walang gana ang katawan ko ngayon para magtrabaho, ngayon araw pa naman gaganapin ang turn over ceremony ng Crown Palace Hotel sa pamamahala ko bilang bagong Owner ng hotel.
Sinensyasan ni Cedrick ang lahat ng mga bodyguards upang tumalikod.
"Anak Aizen, alam namin lahat na dumadaan ka sa pagsubok sana pakinggan mo itong ia-advice ko sayo. Bilang Chairman at CEO ng kumpanya natin huwag mong ipapakita sa lahat na nanghihina ka sa mga problema at pagsubok bagkus magpakatatatag ka dahil ikaw ang pinaka importanteng tao sa kumpanya at pamilya natin. Maihahalintulad ka sa isang mataas na puno. Ikaw ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng mga nilalang. Marami ang umaasa sayo at Kapag nabuwal ka kaming pamilya mo, mga anak mo, mula sa sumunod na mataas na posisyon hanggang sa pinaka mababang puwesto ng empleyado lahat ay kasama mong babagsak. Im not saying this Anak para isakripisyo ang sarili mo but gusto kong tatagan mo ang loob mo may katapusan din ang paghihirap mo."
Natauhan ako sa sinabi ni Mama. Tama si Mama kailangan kong magpakatatag sa harap ng lahat ng problema at pagsubok. Hindi ako dapat panghinaan ng loob kailangan kong lumaban. Marami ang umaasa sakin , marami pang tao ang naghihintay na matulungan ko.
"Labang lang Dada huwag kang susuko!" sabi sakin ni Brandon.
"Huwag kang susuko Dada kaya mo yan." dugtong ni Aiken.
Bigla akong napaluhod para yakapin ang kambal ko. Inaamin ko sa sarili ko na may kahinaan din ako. Nawawalan ako ng pag-asa kapag nadedepress ako. Sa mga pagkakataon nadedepress ako ay hindi ang pera at karangyaan kundi ang pagmamahal at suporta ang kailangan ko.
Sinenyasan ako nila Mama Mira at Papa Vergel ng laban lang sa pamamagitan ng pagtaas nila ng nakatikom nilang kamao.
"Thank you sa inyo pinalalakas niyo ang loob ko Mama, Mama Mira at Papa Vergel. Ang pagmamahal niyo sakin mga anak ko ang magiging sandata ko laban sa mga pagsubok. Maraming salamat sa inyo."
"Lagi kaming nakasuporta sayo 'nak Aizen." wika ni Papa Vergel.
"Hayaan niyo kapag okay na ang lahat babawi ako sa inyo ulit, Maga-out of the country tayo." wala sa loob kong nasabi yun siguro nasa sistema na talaga ng katawan ko na gusto kong makasama muli si Brent. Wala sa isip kong susundan namin siya sa Dubai.
At the Hotel...
Dumating kami ni Miles sa hotel ng maaga. Bumungad samin ang napakalaking banner ng pag welcome sakin bilang new Brand Manager at owner ng Crown Palace Hotel. Ilang oras na lamang at official na akong mamahala sa binili kong malaking share holder ng hotel na ito. Mabuti na lamang noon ay pinahawakan sakin noon ni Kurt ang mga hotel at casino niya noon sa Pensylvania at Las Vegas. Magagamit ko din ito sa pagpapatakbo ng hotel.
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
FanfictionBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...