"Matagal na panahon na rin ang lumipas Sir Aizen, ngayon mo na lang masusubukan mag archery ulit." wika ni Miles sakin.Narito kami ngayon sa paborito kong lugar kung saan may malapit sa Gazebo. Dito ako madalas nag eensayo ng archery, tandang tanda ko pa noon na tuwang tuwa na nanunuod si Chairman Mao habang walang sablay ang pag pana ko sa bull's eye ng target.
"Tama ka sobrang tagal na, matagal ng panahon hindi ko nahahawakan itong bow at arrow."
"Handa ka na ba Sir Aizen?" tanong ni Zarchy.
Kumuha ako isang arrow na nakalagay sa sisidlan na naka kabit sakin hita.
Pagkatango ko, ay inilagay ng trainor ko ang mukha ni Kurt sa target.
Pumuwesto ako at pagkatapos ay itinututok ko na ang arrow sa target. Tinitigan kong mabuti ang mukha ni Kurt.
Hindi ko makakalimutan ang lahat ng ginawa mo sakin Kurt, humanda ka sa paghihiganti ko.
Pagkahatak ko ng bow string sapul si Kurt ng pakawalan ko ang arrow.
Narinig kong nagpapalakpakan ang trainor ko, sila Miles, Zarchy at ilang pang mga taong nanunuod sakin.
"Isa pa boss, isa pa!" masayang sabi nila, halata sa mga mukha nila na ang saya.
Pero sa kalooban ko isinusumpa ko si Kurt na sana mamatay na siya. Nanginginig ang mga kamay ko at muli akong kumuha ng arrow. Pagbitaw ko ng arrow muli ko na naman nasapul ng bull's eye si Kurt.
Muli na naman silang nagpalakpakan.
Sa pagkakataong ito sunod-sunod ang pinakawalan kong mga arrow. Pabilis ng pabilis nangigigil ako sa tuwing tinatamaan ang mukha ni Kurt.
"Mamatay ka ng Demonyo ka!"
"Mamatay ka ng Demonyo ka!"
"Sir Aizen tama na!" sigaw ni Miles halata sa tinig niya ang pag aalala.
"Hayaan mo lang siya, Kailangan niyang mailabas ang lahat ng galit niya." saad ni Zarchy.
Pabilis ng pabilis ang pagpana ko sa mukha ni Kurt, tatalunin ko pa si Miya ng hero sa mobile legends at si Legolas ng Lord of the Rings.
Nang maubos na ang pana ko. Lumayo ako sa kanila at doon ako umiyak mag isa. Ibayong lungkot ang nadarama ko sa tuwing mamasdan ko ang bawat parte, sulok at labas ng mansyon. Naaala ko si Chairman Mao at Brent. Kapwa may masasayang alaala kaming pinagasaluhan dito ni Chairman Mao at ni Brent.
**********
"Ang kabuuang halaga ng mga trust funds, assets, shares sa kumpanya at mga mga ilang ektarya ng lupa sa pampangga at Batanggas na naiwan ni Chairman Mao ay nagkakahalaga po ng kalahating bilyon, mababasa niyo sa mga papel na hawak ninyo ang bawat ipapamana sa inyo."
Ito ang inilahad samin ni Attorney Saavedra na aming family lawyer at legal counsel ng SC Corporation.
Tahimik lang kaming magkakapatid na nakikinig sa pagbabasa ng last will and testament ni Chairman Mao.
"Aanhin ang lahat ng ito kung wala naman si Papa." naluluhang sabi ni Mama.
"Ikinalulungkot ko po ang pagpanaw ni Chairman Mao, ngunit sadyang lahat po tayo sa mundo ay may hangganan ang buhay. Ang dapat na lamang po natin gawin ay sariwain ang mga alaala ni Chairman Mao at ipagpatuloy ang mga naumpisahan niya." saad ni Attorney.
"Tama po ang sinabi ni Attorney Saavedra, hindi din magiging payapa si lolo kung nakikita niya tayong ganito. Knowing lolo, noon pa man gusto niya maging matagumpay tayong lahat. Malulungkot siya sa kabilang buhay kung patuloy natin ipagluluksa pagkawala ni Lolo." sang-ayon ni Lime kay Attorney.
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
FanfictionBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...