chapter 37 Nasaan Ka Brent?

495 51 11
                                    

This chapter is specially dedicated to sasusaku15

"Sumagot ka Miles, Anong nangyari kay Brent?!" napakalakas na ang boses ko dahil hindi pa rin makapag salita si Miles.

May ilang mga empleyado ng Fit & Glam Magazine ang nakakuha ng aming atensiyon, nang tingnan ko sila ay nagsipagtuloy sila sa kanilang mga trabaho.

"Sir Aizen si Brent nakulong, suspect siya sa pagpatay ng isang lalaki." sa wakas ay nakapagsalita na si Miles sa pagkakaurong ng kanyang dila.

"No this is not true, fake news lang ito."

Kinuha ko ang phone ni Miles at doon ko nakita sa isang website ng isang tv station ang tungkol sa balitang napatay di umano ni Brent ang isang lalaki.

"Hindi, Hindi totoo ito, This can't be. Hindi magagawa ni Brent ang ibinibintang sa kanya. All my life kilalang kilala ko si Brent, mulo ulo hanggang paa alam ko lahat ang tungkol sa kanya. Maski birthmark niya sa likod ng korteng ulap ay alam ko. Hindi ako naniniwala sa balitang ito, hinding hindi niya magagawang pumatay ng tao."

Nagtatakbo ako papunta ng elevator at habang tumatakbo ako ay kinokontak ko si Brent.

"Nakakainis hindi ko pa rin siya matawagan."

Brent please naman i-on mo naman ang phone mo.

Pagkapasok namin ni Miles sa elevator ay kaagad ko siyang inutusan na imessage si Grecko na kailangan namin umalis agad.

Brent.

Brent.

Brent.

Sigaw ng utak ko habang pababa kami sa ground floor ng building. Nag alala ako ng sobra kay Brent. Hindi ko lubos maisip kung bakit nasangkot sa ganitong krimen si Brent. Hawak ng kaliwang kamay ko ang phone ni Miles. Iniscroll kong muli ang balita tungkol kay Brent.

"Siya yun..." natigilan ako ng makita ko ang picture ng naturang lalaki na nasawi.

Tandang tanda ko ang pangyayaring nahuli ko si Brent na pinaliligaya ang lalaking kasama ni Kurt.

Hindi ako nagkakamali siya nga pero bakit siya pinatay at bakit si Brent ang itinuturong pumatay kay.

"Erick Bustamante jr." sambit ko.

Kahit na pabulong kong binanggit ang pangalan ng lalaking iyon ay narinig pa rin ako ni Miles.

"Sir sino po yun lalaking iyon?" tanong ni Miles.

"Hindi ko alam Miles." tanging sagot ko sa personal secretary ko.

"Sir imemessage ko na po si Sir Grecko, sasabihan ko na din si Razzo na ipapasundo na lang natin siya sa mga bodyguards niyo." pagkasabi nun ni Miles ay saka ko naisip na ibalik na sa kanya ang phone niya.

Anong dahilan para patayin ang lalaking iyon at bakit si Brent ang itinuturo nilang may sala.

Pagkadating namin sa parking kung saan nakapark ang van. Binuksan agad ni Cedrick ang pintuan ng van.

"Sakay na Bossing." ani Cedrick.

Pagkasakay namin tatlo kasama pa ang dalawang bodyguards sa loob ng van ay hinarap ko si Cedrick.

"Cedrick si Brent, please call him alam kong may contact pa rin kayong dalawa." saad ko.

"Bossing ikalma mo lang ang sarili mo baka mapano ka na naman." wika ni Cedrick.

"Oo nga Sir Aizen kalalabas niyo lang ng hospital." paalala ni Miles.

"Paano ko pakakalmahin ang sarili ko nag alala ako ng sobra kay Brent, kaya please lang gusto ko marinig ang boses ni Brent."

[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon