Chapter 45 Letting Go

490 46 7
                                    


"Ligtas na po yun pasyente kailangan na lang pagalingin ang kanyang sugat, after a week siguro puwede na siya sa home treatment. Then every 2 days kailangan niyang magtungo dito sa hospital para linisin ang sugat para iwas impeksyon." Wika ng babaeng duktor.

"Maraming salamat po Doc. at naagapan niyo ang pasyente." tugon ko.

"Dr. Salinel about sa iba pang sakit ng pasyente." Baling ng babaeng duktor sa isa pang duktor.

"I'm Dr. Salinel, Oncologist and at the same time a surgeon. We found out na may tumor sa utak ang pasyente the size is 2.5 cm. katumbas ng dalawang jolen. Kailangan na niyang maoperahan immediately but the problem is yun tumor ay nasa bahagi ng utak natin na responsible for memory, behavior and thinking process which is what we call frontal lobe. Yun nadito sa tuktok ng ulo natin." Idinemo pa ng duktor kung nasaan ang frontal lobe.

"After the surgery maapektuhan ang pag iisip ng pasyente. Maybe magkaroon siya ng permanent loss of memory." Patuloy niya.

"So paano po yun wala na siyang maaalala somehow."

"Thats the least thing we can do para magamot siya, I believe mabubuhay pa siya ng matagal kapag naumpisahan na ang chemo session sa kanya."

"I understand Doc, sasabihin ko po muna sa pamilya ng pasyente napag- usapan natin. Hindi ko po alam ang magiging move nila but anyway thank po Doc."

"Alright then maiwan ka na namin." Paalam ng mga duktor sakin.

Nilapitan ako ni Mr. John habang si Brent ay nakasandal sa dingding ng pasilyo ng hospital.

"I think it is better for Kurt to continue his medication in States, the hospitals in States are more advance than here." Mariin sabi ni Mr. John.

"I agree but let us hear first the decision of his Mother and whatever their decision would be is final." Patutsada kong sabi kay Mr.John.

Dahil para sakin tama na ang pagmamaniobra niya sa buhay ni Kurt. Hindi na siya kailangan dahil kasama na ni Kurt ang pamilya niya.

"Brent papasok lang ako sa kuwarto." Paalam ko.

Tumango lang sakin si Brent na wala man lang katimpla timpla ng anumang reaction ang mukha niya. Galit pa rin siya kay Kurt.

Pagpasok ko ng kuwarto ay nakita kong naroon sila Aling Bebang, Razzo at si John na kaibigan kong duktor. Nangiti sila Mommy Bebang at Razzo, si Kurt ay parang sumigla ang katawan, habang si John naman ay halata sa mukha ang pag alala.

"Ui Aizen ikaw pala, maupo ka." Bungad sakin ni Razzo.

"Salamat." matipid kong sabi.

Kinuha sakin ni Razzo ang dalawang basket na hawak ko na may lamang bulaklak at mga prutas.

"Hindi ka na sana nag-abala pa Aizen." Malumanay ang tinig ni Kurt.

"Kailangan mo magpalakas kaya dinalhan kita ng mga prutas." Wika ko.

Katabi ko sa mahabang couch si Mommy Bebang at Razzo habang nakaharap naman sakin si John. Hindi mapalagay si John habang paminsan minsan ko siyang tinitingnan.

"Kamusta ka na Aizen?" sa wakas ay nagtangkang magsalita si John na kanina ko pa siya hinihintay magsalita.

"I'm sorry Aizen sa nagawa ko." halata sa tono ni John na sincere ang paghingi niya ng tawad.

"Aizen lalabas muna kami ni Mama para makapag usap kayong ng sarilinan." Ani ni Razzo.

"Tara Mama."

Wala naman imik na sumama si Mommy Bebang kay Razzo palabas ng kuwarto.

"Huwag kang magalit sa kanya Aizen, Ako ang mapilit noon na magkunwaring boyfriend mo. Ginawa ko yun para maalagaan kita."

[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon