Chapter 4 Premonitions

614 51 10
                                    

Brents Pov

      Matapos kong ibaba ang tawag ni Kurt bahagyang ikinais ko ngayon ang  umaga na ito.

      Ang lakas ng loob pang tumawag sakin hindi na nahiya. Huwag niyang sabihin porke hinayaan ko siya na mangyari yun ay okay kami, umasana agad.

      Napatingin tuloy  ako sa picture frame ni Aizen na nakalagay sa kabinet. Hindi ko maiwasan malungkot at haplosin ang larawan niya.

     "Miss na miss na kita mahal ko."

     Ibang iba talaga si Aizen sa mga nakilala ko at nagdaan sa buhay ko, marangal, mabait at totoong minahal ako hindi niya katulad na pagnanasa lang ang habol.

     "Wala na talaga makakapantay sayo  Aizen."

      Kaya bago pa tuluyan masira ang araw ko ay pinuntahan ko muna ang kambal na mga bagong gising.

     "Mga baby ko gising na kayo ah." bungad ko nang dukwangin ko sila sa malaking crib. Hinalikan ko isa-isa ang mga paa ng kambal ko.

     "Hindi pumasok si Daddy para makasama niyo ko ngayon araw na ito, maglalaro tayo maghapon."

      Isa-isa kong inihiga sa kama sila Baby Brando at Baby Aiken sa kama ko.

     "Laro muna mga baby ko, Mamaya ko na kayo paliliguan. Gusto niyo ba makita sumayaw si Daddy, magtitiktok muna ako ah." Wika ko sa kambal na kung kausapin ko ay parang malalaking bata na sila.

        Pakiramdam ko ay masiglang masigla sila ngayon na kasama ako. Tulad na ni Brando na parang doble ang kalikutan ngayon. Panay ang kawag ng mga kamay at binti ni Baby Aiken habang sinasayawan ko siya samantalang si Baby Brando ay nag uumpisa ng gumapang sa kama.

      "Ang likot mo na pala Baby Brando nakakagapang ka na pala." Sabi ko sabay kuha ko kay Baby Brando dahil papunta na ito sa dulo ng kama.

      Napangiti naman ako Baby Aiken na panay pa rin ang pag kawag ng mga braso at hita. Saglit muna akong huminto sa pagsasayaw para tabihan ang kambal.

     "Hay ang mga kambal ko pano pa kaya pag narito din kasama natin ang dada Aizen niyo."

     "Ma , Pa.  Ano kaya kung pabinyagan na kaya natin ang kambal."

       Dali-daling pumasok sila Mama at Papa sa loob ng kuwarto.

     "Ikaw anak kung gusto mo na agad pabinyagan ang kambal?" Tanong ni Papa.

      "Kailan mo ba gusto para mapaghandaan natin may napili ka na bang mga Ninong at Ninang." Tanong naman sakin ni Mama.

       "Mama , Papa, May pera po akong ipon kaya kahit anong oras puwede na natin pabinyagan na ang mga bata, kailangan lang masabihan natin yun mga magiging ninong at ninang  kung kailan para makadalo lahat." Sagot ko naman.

     "O sige sabihan ko na si Aki tiyak mga kaibigan niya at si Cedrick magiging ninong nila, Mamaya tawagan ko si Ives para malaman din nila agad." Volunteer ni Mama.

      "Ma huwag na muna ipaalam kay Mommy Ives, Gusto kong solohin ang pag gastos sa binyag ng mga bata ayaw kong umasa sa kanila. Ako ang ama nila kaya dapat ako lang ang mag provide ng pangangailangan nila na hindi umaasa sa iba," pagpapatuloy ko.

[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon