Chapter 40 Pagka-aksidente ni Kurt

455 44 7
                                    

Kinontak ko ulit ang number ni Brent pero hindi niya talaga sinasagot ang tawag ko.

Napadako ng tingin sa paligid. Ganito din noon nang nakatingala kami sa langit ni Brent. Parehas naming pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Hindi ko makakalimutan ang pagtatapat ng feelings sakin ni Brent noon.

Hinalo ko muna dressing sa ceazars salad na nasa plato ko. Pagkasubo ko ay uminom ng kunting wine. Bigla na lamang pumatak ang luha ko pero kaagad ko din pinunasan ng palad ko.

Tumingala ako para hindi na tumulo ang susunod na luha na dadaloy pa saking pisngi.

"Sayang lang mga luha ko." sabay hinga ko nang malalim para gumaan ang mabigat na nararamdaman ko.

Nagring ang phone ko nataranta ako na cancel ko na di ko man lang nakita kung sino ang tumatawag. Titingnan ko sana kung sino yun caller kanina nang bigla na lang nag ring ang phone ko.

Bagsak ang excitement ko dahil inasahan kong si Brent yun tumatawag pero nagkamali ko.

"Hello Aki?"

"Aizen, hmm kamusta ka?" bahagyang napahinto pa sa pagsasalita si Aki sa kabilang linya.

"Okay naman ako Aki nasaan ka?"

"Nandito ako sa tenement minsan dito ako natutulog para mabantayan ko naman, bukas sa condo mo naman bukas magstay. Siya nga pala kanina irereport ko lang. Wala naman akong narinig na pinagusapan sila Razzo at Kurt."

"Maraming salamat Aki sa tulong mo, wala kasi ako maasahan para matyagan si Kurt."

"Naintindihan ko pasensya na ah yun lang maitutulong ko, umiiwas din kasi ako sa kapahamakan. Naisip ko napaka delikadong tao ng Kurt na yun. Kung may masama man mangyari sa inyong dalawa ni Brent ako magiging guardian nila Aiken at Brandon. Pero huwag naman sans umabot sa ganoon di ba."

"Maraming salamat Aki sa pagaaruga at pagmamahal mo sa kambal."

"Aki?"

"Ano yun Aizen?"

"Wala Aki, wala..."

"Mahal kita Aizen tatandaan mo nandito lang ako kung sakaling kailangan mo ng masasandalan, kung kailangan mo nang balikat na maiiyakan huwag kang mag aatubiling magsabi."

"Salamat Aki at parati kang nariyan para sa akin."

Pagkababa niya ng telepono ay bigla na lamang may mga kamay na tumakip saking mga mata.

"Brent?" sambit ko.

"Mali." saad ng lalaki.

"Razzo? Ikaw ba yan?" nahulaan ko na kung sino ang tumakip sa mga mata ko dahil sa boses niya.

"Saan ka nagpunta?"

Kumibot muna ang mapupula niyang labi bago muling nagsalita.

"Talagang mahal na mahal si Brent." malungkot ang mukha niya nang maupo na sa harapan ng lamesang kinauupuan ko.

"Pasensya na."

"Hindi ko talaga mapapalitan si Brent diyan sa puso mo?"

"Razzo, Hindi mo sinasagot ang tanong ko. Saan ka nagpunta alam mo naman hindi ka puwedeng basta-basta na lamang umaalis."

"Ssssshhhhh! Kasama ko naman ang mga bodyguards ko kaya wala kang dapat ipag-alala."

"Please be careful next time ha, alam mo naman yun di ba."

"Umalis lang ako para kunin ito, nakalimutan kong dalhin."

Isang heart shape na pendant ang ipinakita sakin ni Razzo.

[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon