Chapter 31 Sadness

477 45 16
                                    


"Hayys sarap mag day off, tara Kuya Brent basketball tayo?"

Napasenyas naman si Mira para ipursige ni Spocky na ayain si Brent na nakahiga sa kama.

"Wala kong gana Aki!" basag na tinig ni Brent.

Buong magdamag na naglasing ang nakatatandang anak ni Mira dahil sa problema. Nagsisisi ito sa nagawang pakikipagmabutihan kay Kurt.

"Kuya kung ano man ang problema niyo ni Aizen, Huwag kang magmukmok, huwag kang sumuko! Huwag mong hayaan sa isang araw na hindi kayo magkaayos. Huwag mong hayaan di mo makasama mga anak mo."

Umismid pa sabay tingin sa Ina si Aki.

"Sana ganoon lang yun kadaling humingi ng tawad."

Napamaywang pa ang bruskong binata sabay buntong hininga. Ipinagpag pa nito ang sando matapos magbihis.

"Kung ayaw mo magbaketball, manood na lang tayo ng netflix Kuya." binuksan ni Spocky ang tv.

"Sa Flash report, Namayapa na ang Founder at dating Chairman ng Shau-Chen Corporation na si Chairman Emeritus Maoricio Shau-Chen sa edad na walumput dalawa. Nakalagak ang kanyang mga labi sa Arlington Memorial Chapel. Kinikilala ang kontribusyon ng respetadong Business Tycoon sa pagpapalaganap ng pagkakaisa ng bawat kumpanya sa buong bansa at sa pagkakawang gawa sa mahihirap na sektor ng lipunan."

"Brent si si... Chairman pumanaw na." baling ng ina sa ngayon nakatayong anak na kanina lamang ay malungkot na nagmumukmok sa loob ng kuwarto.

"Puntahan natin si Aizen Mama."

"Oo anak kailangan na kailangan ka niya ngayon."

Sa Memorial chapel....

Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa pagkamatay ni Chairman Mao. Bumuhos ang napakaraming tao upang magbigay ng pakikiramay at pasasalamat sa pamilyang Shau-Chen.

Matapos ang traditional chinese ceremony sa lamay ni Chairman Mao ay binuksan na sa mga kaanak, mga bago at dating empleyado, mga malalapit na kaibigan at mga kilalang tao sa lipunan hindi lamang sa pulitika pati na rin sa ibat ibang sektor ng lipunan ang huling pagkakataon na masilip ang butihing Chairman.

Tila pila ng langgam na makikita mula sa helicopter at drone ang mga taobg nais na makpagpaalam sa butihin Chairman ng SC Corporation, mahigpit ang pinatutupad na seguridad sa chapel para seguridad ng pamilya Aizen. Nagkalat ang mga pulis at volunteers na nagsasa ayos ng daloy ng sasakyan.

Napuno ng mga ibat-ibang bulaklak ang loob ng chapel, nasa gitna ang puting kabaong kung saan nakahimlay ang labi ng lolo ni Aizen. Sa kaliwa nito ay makalagay ang napakalaking larawan na masayang nakangiting si Chairman Mao, sa bandang kanan naman ay nakahanay na nakaupo ang pamilya Shau-Chen lahat sila ay nakasuot ng itim, Kumpleto ang mga magkakapatid mula sa panganay na si Jasper, Lime at ang bunso na si Aizen. Ang mga apo ni Chairman ay nasa gilid na nakaupo. kinabibilangan ito ng mga anak na Panganay na si Jasper at mga kambal ni Aizen na si Brandon at Aiken. Lahat ay mugto ang mga mata.

Nagkalat din ang mga media mula sa mga malalaking tv network, pahayagan at radyo na kumukuha ng coverage ng burol.

Nakatayo si Aizen sa tabi ng kabaong hawak ang larawan ng kanyang lolo. Panay punas ng mga luhang walang tigil na pumapatak sa kanyang mga mata.

Naunang pinasisilip ang mga kaibigan at tulad din ni Chairman Mao na nagmamay-ari ng malaking kumpanya. Bawat isa ay nagpapaabot ng pakikiramay sa mga naulila ni Chairman Mao.

Napukaw ang tingin niya sa paparating na dalawang lalaki na may kasamang bata. Napaisip siyang pamilya sila. Pareho nila ni Brent na may bunga ng pagmamahalan kahit na parehas ng kasarian. Napatingin si Aizen sa kambal niya.

[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon