😀Chapter 24 Montecillo Family

538 55 11
                                    


"Welcome home mga baby ko and sayo hubby"

Masayang bati ko ng pumasok kami sa dati kong condo unit kung saan ito umusbong ang pagmamahalan namin ni Brent. Nangiti pa ko sa kilig ng makita ko ang terrace kung saan inamin ni Brent na may pagtingin siya sa akin.

"Wow dada ang ganda naman ng bahay natin," puri ni Brandon.

"Siyempre mayaman ang Dada natin kaya maganda ang bahay natin."

Pagkapasok ni Brent ng lahat ng gamit na nakasilid sa malalaking bag namin ay naupo na din sa sofa.

"Ako mayaman hindi ah"

"Yun isang bahay nga ninyo Dada, yun pinupuntahan sobrang laki!"

Sumenyas pa si Brando para idescribe kung gaano kalaki. Marahil ang mansyon ang tinutukoy niya.

"Mga anak hindi ako mayaman, ang Mama lola at si Chairman Lolo niyo lang ang mayaman, pero tayo sapat lang dedepende na tayo sa Papa ninyo, Masipag ang papa ninyo kaya kayang kaya niya tayong buhayin. Hindi ba Tatay."

Sinabi ko iyon para itanim sa isip ng kambal na mamumuhay kami ayon sa pamamalakad ng kanilang amang si Brent, ginawa ko din iyon para i uplift ang Tatay nila.

Hinawakan ni Brent ang kamay ko sabay ngiti sakin ng napakatamis.

"Salamat Zenzen."

"Salamat saan? Ikaw ang padre de pamilya natin kaya ikaw ang masusunod, kung ano magiging move at desisyon asahan mong susuportahan kita."

"Eh Tatay paano nila sila Lolo lola?" tanong ni Brandon.

"Huh bakit napaano sila Mama Mira at Papa Vergel?"

"Maingay at magulo kasi doon Dada?"

Napatingin ako kay Brent halata sa itsura ko na may hindi siya sinasabi sakin kaya nakakunot noo ako.

"Y-yun tenement kasi baka idemolish sa darating na panahon. M-may mayaman negosyante ang gustong bilhin ito kaya nagbabantay ng maigi mga taga tenement. Kasi sa mga nangyayaring bilihan ng lupa kadalasan sinusunog para mapaalis ang mga tumitira doon."

Umalis ito para magtungo sa kusina ibinuka nito ang ref para maalis ang amoy ng kulob.

"Checko ko lang muna yun mga gamit kung gumagana pa mga ito."

Kinuha ko sa mga bag ang gamit ng mga bata para kunin ang mga libro para may pagkaabalahan sila. Pagkatapos noon ay kinuha ko ang grocery upang ipaghanda ng snack ang mga bata.

Pagkapatong sa lamesa ay pinalaman ko mga tasty bread ng cheeze. Sabay abot ko nito sa kambal.

Pagkatapos ay bumalik ako sa kusina. Para kausapin si Brent.

"Brent bakit wala kang nababanggit sa bagay na yan, paano sila Mama Mira at Papa Vergel at si Aki?"

Natahimik lang ito napansin kong parang may bumabagabag sa kanya kay muli ko pa itong tinawag habang niririkisa ang built in electric stove sa kitchen table.

"Uy Brent?"

"Zenzen" blangko ang mukha ng guwapo kong asawa na di makaimik.

"Suggest ko lang ito ah, tutal dalawa naman ang kuwarto nitong condo. Dito na lang din kaya sila tumira mahirap na kasi baka magkagulo sa tenement, pangalawa luma na rin yun tenement kaya yun building safety hindi ko na din matiyak kung hanggang ilang taon pa ang tatag nun."

"Eh paano tayo?"

"Anong paano tayo ang laki-laki nitong condo noon tayong apat lang nila Kiskey at Cedric aalog alog tayo dito."

[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon