😀Chapter 20 Glancing mirror

494 40 6
                                    


Pagkabangon ko sa hinihigaan kong upuan sa maliit na sala nakita kong nakauwi na pala sila Poldo at Razzo.

Maingat kong hinakbangan silang natutulog sa mga foam na may sapin. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Gusto kong masilayan ang pagsikat ng araw.

Paglabas ko'y isang matabang ale ang nasalubong ko sa eskinita, napangiti ito sakin sabay sabing...

"Ikaw siguro yun nakikituloy kay Poldo, tama ba ko?"

"P-paano po ninyo nalaman?" Kunot noo akong sumagot.

"Eh base sa mga kuwentong narinig ko at pagkakalarawan nila ikaw lang yun nakikitang kong baguhan dito, totoo nga palang napakaputi at mukha kang may lahing intsik.

Napangiwi lang ako sa kanyang tinuran. Pero nun pagmasdan ko ang Ale may pagkakahawig ito sa hinahanap naming ina ni Kurt. Inalala ko ang mukha ng babae ayon sa kopya ng litrato. Kamukhang kamukha niya, nagbago laman ang pigura ng mukha niya dahil tumaba at tumanda na rin sa paglipas ng panahon. Napalingon ako sa pinto ng bahay ni Poldo at napatingin muli sa Aleng ito, siya na marahil ang sorogate mother ni Kurt at dahil kamukhang kamukha ni Razzo si Kurt hindi maipagkakailang magkambal nga sila. Hindi sumagi sa isip ko na magkambal silang dalawa.

Iwinasiwas pa nito ang kamay niya malapit sa mukha ko at doon ko napagtantong may sinasabi ang nanay ni Kurt at Razzo.

"Bakit ka matutulala nagagandahan ka ba sakin?"

"Pasensya na po may naalala lamang ako, Ano nga po pala sinasabi ninyo kanina?"

"Ang sabi ko Ako si Beverly pero tawagin mo na lamang akong Bebang. Ikaw anong pangalan mo?"

"A-aizen po ang pangalan ko,"

"Aizen? Parang pangalan ng babae." Aniya.

"Hindi ko po alam kung bakit ganoon ang pangalan ko."

"Tara halika doon tayo sa bahay mag usap ayaw kasi ni Razzo ng maingay kapag natutulog siya puyat sa pag giling. At saka yayain na din kota kumain nakapagluto na kasi ako."

Sumayaw pa ito ng may pagigiling giling, natuwa ako sa nanay ni Razzo dahil kahit mataba ito ay malambot ang katawan nito.

"Aray ko umatake ata ang rayuma ko, tumaas na naman ata uric acid ko!"

Inalalayan ko si Aleng Bebang patungo sa bahay nila.

"Nay saan ka ba nagpunta? maliligo na kaya kami papasok pa kami sa school oh." Bungad samin ng mga bata marahil mga nakababatang kapatid ng maaangas na lalaking yun.

"Naku mga anak magsolo na kayo maligo, inatake ako ng rayuma ko."

Utos nito sa dalawang bata.

"Okay na po ba kayo diyan?"

Tanong ko nag maiupo ko na siya sa lumang sofa.

"Ganito na lang ako na lang magpapaligo sa inyo kung okay lang sa inyo?" Suggestion ko.

Tiningnan ako ng dalawang bata at sabay din silang nagtinginan sa isat isa.

"Puwedeng puwede!" sagot nila.

"Aling Bebang puwede po maki charge ng phone deadbat na po eh hanggang ngayon ay di ko pa po natsa-charge."

"Dito may charger dito, dito mo na rin isaksak."

Pagkacharge ng phone ko lihim kong kukunan ng litrato si Aleng Bebang at kaagad na ise-send ko kay Zarchy.

Hindi ko naman naisip kung bakit kailangan pang samahan o tulungan ang dalawang bata na maligo yun pala ay kailangan kong ipagsalok ito sa balon.

[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon