chapter 6 Dinner Date

592 36 2
                                    


Kurt pov

    Nag-usap kami ni John na sa poder ko muna si Aizen habang hindi pa nagbabalik ang memorya niya. I said to him that I will make it sure na hindi ko pababayaan si Aizen. He also agreed and inisip niya na kung sa bahay niya mag stay si Aizen ay baka mabored ito dahil hindi naman niya makakasama ng 24/7. Hindi naman maaring isama niya ito sa hospital habang siya'y nagtratrabaho.

    Isasama ko si Aizen sa mga business trip ko and till he recovers ay pahahawakin ko din ng mga negosyong naiwan sa akin ni Papa. Dumating ang araw ng discharge ni Aizen kaya narito na kami sa labas ng hospital habang nag uusap kami ni John ay tumitingin si Aizen sa gallery ng mga paintings. Kasalukuyan kasing may exhibit ngayon sa hospital . Every month ay may ganitong event daw like food expo, bazaars para naman hindi stressful at melancholic ang atmosphere ng hospital.

     "Kurt ipangako mo sa akin na aalagan mong mabuti si Aizen, you know how much Aizen means to me." John said.

     "I will, kaya nga ako na muna mag aalaga sa kanya, I'll take care of him promise." Sabi ko.

     "Sana nga tuluyan ka na nagbago Kurt."

     It was like an insult to me pero dahil sa kagustuhan kong mapunta sakin si Aizen ay hindi na ko nakipag argument kay John..

     "Oo naman nagbago na ko John. Hindi na ko yun katulad dati."

     "Bisitahin niyo pa rin ako dito sa New York para naman may follow check up si Aizen sa lagay niya." Paalala niya.

     "Sure thing kapag okay na siya malay mo isusurprize ka na lang namin one time. I'm thinking of ipapahandle ko sa kanya ang pagpapalakad sa mga hotels because you said that he is a business genius." Sabi ko.

     "Mabuti yan para sa kanya para malimutan na muna niya pansamantala ang nakaraan niya, Hindi ko puwedeng kausapin ang family niya dahil mahigpit na ipinagbilin sakin ni Chairman Mao na wala dapat makakaalam na buhay pa si Aizen."

    "Yes tatandaan ko lahat ng ibinilin mo sakin."

     Habang kami'y nag uusap pumarada na sa harap namin ang 21 foot long four door black limousine na nagkakahalaga ng 1.3 million euro.

     Bumaba si Mr.John ang kanang kamay ni Papa na noon pa man kahit buhay pa si Papa. Siya na ang tumayong ama para sakin. He had done so much to me, siya pumunan ng pagkululang ni Papa bilang ama ko.

    "Master are you ready to go home?" tanong ni Mr. John.

    "Yes, We are ready Mr. John." sagot ko.

    Timing na nakalapit na samin si Aizen, marahil nakita niyang dumating ang sasakyan na susundo sa amin kaya siya lumapit

    "Handa na kami ni Angelo para umuwi, he is going with us." Utos ko kay Mr. John.

     "So long my bestfriend at napakasipag na Doctor na alam ko." niyakap ko si John at pagkatapos ay niyakap niya din si Aizen.

     "Aasahan ko ang pangako mo Kurt tuparin mo please." Mariing niyang sabi.

     "I will!" Sagot ko.

     Pinagbuksan kami ng chauffeur na nakauniform ng white mabilis namin biniyahe ang aming uuwian na mansyon.

      Pagkarating namin sa malaking gate ng malaking hektarya ng lupa ng Rutherford Village. Nang gilalas ang mga mata ni Aizen sa kanyang nakita.

    Tanaw na tanaw mula sa malayo ang mansyon na may halagang 23.5 million dollars nang minsan inestimate ito ng mga realtor. Ilang beses na rin itong na feature sa magazine at tv one of the most expensive house in the US.

[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon