Ilang buwan na ang nakalipas mula ng mamatay si Aizen, naalala ko pa rin siya sa tuwina. Lagi kong iniisip kung buhay kaya ngayon si Aizen matik yun na masayang masaya kami ngayon na magkasama.Katulad ng sitwasyon ngayon, narito ako sa kama, pinagmamasdan ko ang mga kambal namin na ang lulusog at sobrang cute.
Mahal na mahal kayo ng daddy ninyo pati ni Dada Aizen, paglaki ninyo ikukuwento ko sa inyo palagi ang Dada Aizen ninyo. Huminga ako ng malalim sabay hikbi nang maisip kong sa picture na lang makikilala ng kambal namin ang Dada Aizen nila. Hinalikan ko ang mga paa ng kambal di ko naiwasan mapaluha dahil sobrang miss na miss ko na si Aizen.
"Anak Brent, alas siyete na."
Dali-dali kong pinunasan ang luha sa pisngi ko nang marinig ko si Mama na papapunta sa kuwarto.
"O, Anak hindi ka nakakapagpaalam sa kambal."
Tumabi sakin si Mama sabay hawak saking balikat.
"Anak huwag ka na masyadong malungkot, narito naman kami ng Papa mo at ni Spocky para tulungan ka sa pagpapalaki sakambal." Wika ni Mama sabay tapik ng marahan saking balikat.
"Alam ko naman yun Mama, hindi pa rin kasi ako makapag adjust dahil nasanay akong kapiling palagi si Aizen at kung narito siya marahil napakagaan ng lahat." Wika ko.
"Kaya asahan mo sa abot ng aming makakaya palalakihin natin ang mga cute na mga batang ito." Garantiya sakin ni Mama Mira.
"Salamat Mama." Wika ko sabay pahid sa mga nagluluhang mga mata ko.
"Anak kaya mo yan, magpakatatag ka. Mahirap talaga mawalan ng minamahal lalo na kung napakahalaga ng taong yun satin. Pero kahit na anong mangyari kailangan natin lumaban sa hamon ng buhay. Katulad natin noon kahit mahirap nagsumikap tayo hindi tayo sumuko di ba? Kaya malalampasan mo rin ang hirap sa ngayon." Payo sakin ni Mama.
"Tingnan mo nga oh. Nakakatuwa talaga mga anak mo. Ang bibilis lumaki si Brandon tumatagilid na parang ginigising na si Aiken."
"Oo nga Mama humihikab naman itong si Aiken." Tugon ko.
"Alam mo nagmana sayo si Brando kamukhang kamukha mo siya at saka napakalikot matulog at iyakin, samantalang si Aiken laging napapangiti pag natutulog, katulad niyan oh nakangiti na naman."
Binuhat ni Mama si Aiken kaya binuhat ko na rin si Brando.
"Baka narito ang Dada Aizen nila at nilalaro sila." Wika ko.
"Brent tayo na, matrapik ngayon madami pa naman customer tuwing lunes sa carshop, ay naku pasensiya tulog pa ba ang kambal." bungad ni Cedrick na nakasilip sa kuwarto namin.
"Hindi naman kanina pa sila gising Cedrick halika tignan mo sila," sabi ni Mama.
Nagkandahaba pa leeg ni Ced habang nagtatanggal ng sapatos upang masilip ang kambal. At nang makapasok na siya sa kuwarto.
"Wow si Brandon Pre nakakadapa na?" gulat na sabi ni Cedrick.
"Ngayon ko pa lang nakitang nakakadapa na si Brando Ced." Sabi ko.
"Naku Alam na kung kanino nagmana si Brandon." Natatawang sabi ni Ced.
"Oo na sakin dahil makulit ako at astigin noong mga bata pa tayo." Pag amin ko.
"Naku pag lumaki yan nakiki kinita ko na parang katulad mo din yan sikat dito sa tenement, tapos si Aiken nagmana kay Aizen." Ani Cedrick.
"Nak Brent tingnan mo si Aiken oh ngumunguso parang gusto nang magsalita." tuwang tuwa saad ni Mama kay Aiken.
![](https://img.wattpad.com/cover/246320022-288-k738327.jpg)
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
FanficBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...