Tumawag si Aizen sa condo na tinitirhan nila Brent. Napag alaman niyang ang mga Mag lola lamang ang naroon. Ang Papa ni Brent na si Vergel ay tumanggap ng sideline para may mapagkakitaan."Wala si Brent sa bahay, hindi niya kasama ang mga anak namin."
"So anong balak mo? Dadalo ka ba dito sa event. Malamang naririto si Kurt sa gathering ng lahat ng mga Chairman at C.E.O sa buong pilipinas. Balita ko magtatayo din daw ng hotel si Kurt."
"Dadalo ako may gusto lang akong kumpirmahin bago ko tayo bumaba ng sasakyan."
May isang gusto pang tiyakin si Aizen, kung talaga nga bang pinangtataksilan siya ni Brent. Naalala niya kasi ang salitang pagtitiwala na mapadako sa marriage contract ang usapan nila na noong una ay sa business deal lamang ang tinatanong ni Brent.
Para kay Aizen ay sapat na ang pagtitiwala at pagiging tapat sa isat isa nila, na hindi na kailangan ng kasal at marriage contract.
"Loyal ka naman sakin di ba Brent?"
"Oo naman loyal na loyal ako sayo Zenzen."
Hawak ni Aizen ang phone niya habang paulit ulit na umaalingawngaw sa isip na tapat sa kanya si Brent.
Matagal na nagriring ang phone niya bago sagutin ni Brent, halos makaaapat na beses niyang tinawagan si Brent.
Halata sa boses ni Brent na parang hindi ito kampante at di kalmado na kausap siya.
"Nandito ako sa bahay kasama ang mga kambal." ani Brent sa kabilang linya.
Napahawak si Zarchy sa braso ni Aizen dahil dinig na dinig niya ang kasinulingan ng asawa ni Aizen.
"A-ah ganoon ba nag- oovertime kasi ako baka gagabihin ako ng uwi." nanginginig na sabi ni Aizen.
"Okay, Ingat ka I love you."
Hindi na nagawang sumagot pa ni Aizen kaagad niyang napatay ang phone niya. Ito ang unang beses na nagsinungaling si Brent sa kanya.
"Ikalma mo ang sarili mo Aizen, dumalo ka sa party ako na bahalang mag utos sa mga bodyguard na hanapin si Kurt malamang magkasama nga talaga sila."
Sinunod naman ni Aizen si Zarchy, pinakalma nito ang sarili, kailangan niyang maging matapang at buo ang loob sa matutuklasan. Hindi na siya puwedeng maging padalos-dalos dahil nun huli ang muntik ng malagay sa peligro ang buhay niya.
Kaagad na kumalat ang ilang bodyguard ni Aizen, magingat itong nag matyag sa loob ng bawat pasilyo ng hotel.
Pagpasok nila Aizen sa loob ng ballroom hall kung saan ginanap ang okasyon ay kaagad siyang sinalubong ng mga kakilala niyang mga kapwa may ari din ng kumpanya. Matatandaang sikat na sikat si Aizen noon dahil siya ang kauna unahang pinakabatang susunod na CEO 5 years ago. Bukod sa mga matagumpay na proyekto at expansion ng kumpanya. Lalong lumaki ang SC Corporation dahil pinasok ni Aizen ang Advertising at Construction Industry.
At iyon nga ang naging daan para maging mainit sa mata ng lahat si Aizen, sinamantala yun ng pinsang niyang si Lance na ipadukot at kitlin ang buhay nito. Isa si Brent sa mga dumukot kay Aizen at kalaunan ay natutunan nilang magmahalan sa isat isa.
Maraming gustong makipag deal at makipag business venture kay Aizen sa gabing ito ngunit ang isip niya ay naka focus kay Brent. Kailangan niyang makita ang pinakamamahal niyang asawa.
Tama nga ang suspetsa niya naroon nga si Kurt kasa kasama si Brent. Nangingilid ang mga luha niya dahil napatunayan niyang nagsinungaling sa kanya ang asawa niya.
Iginiya siya ni Zarchy sa isang sulok sabay sabi ng...
"Hindi oras ngayon para umiyak ka! Magpakatatag ka Aizen."
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
FanfictionBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...