Brent Pov"Problema po ito Boss Brent, dalawang linggo pa lang na bukas yun bagong car shop ang tumal na natin."
Nag aalalang sabi ng babaeng kahera namin."Gagawa tayo ng paraan para mapalakas natin muli yun shop, ipapaalam ko sa mga customers natin na mayroon tayong 10 percent off discounts sa mga items natin." wika ko.
"At saka hindi naman kagaya ng pagkain ang carshop natin na ang tao maya't maya nagugutom at kakain ng kakain. Car accesories ang negosyo natin kaya imposibleng araw arawin tayo ng mga regular customers natin. Ano kumakain na sila ng mga parts at acccesories ng sasakyan o iniinom yun brake fluid ng sasakyan malamang hindi di ba. Chill lang kayo huwag kayo masiyadong mag-alala." paliwanag ni Cedrick.
"Tama sinabi ni Sir Cedrick niyo minsanan lang naman talaga ang bumili ang mga customer natin, kaya balik na tayo sa mga trabaho guys at huwag kayong mag alala. Kaya natin to laban lang!" muli pang sabi ko.
Tumungo ako sa labas para huminga ng maluwag, napapikit pa ko sabay hawak saking sentido. Kanina sa loob ay hindi ko pinapakita ang bigat ng nararamdaman kong stress, ayaw ko kasi paghinaan ng loon ang mga tauhan ko kung makikita ilang pinaghihinaan na rin ako ng loob.
"Relax lang tol, Di naman araw-araw matumal eh makakabawi din tayo." Wika ni Cedrick na hindi ko alam na sinundan niya pala ko dito sa labas.
"May mabigat akong problema Ced."
Inilabas ko ang sulat mula sa bangko na aming inutangan ni Aizen ng ipundar namin ang car shop.
"Isang taon ko nang di nababayaran itong bank loan namin ni Aizen. Ito kasing taon na to hindi na kumikita ng malaki ang car shop, sapat na lang sa pang upa, sweldo natin at bayarin sa tubig at kuryente." Wika ko.
"Naku bakit ngayon mo lang sinabi ang bagay na yan Tol, paano yan?" Halata sa mukha ni Cedrick na biglang namroblema sa ipinagtapat ko sa kanya.
"Kaya nga nagpatulong na ko kay Kiskey para mapromote itong carshop. Mamaya tatawagan ko siya tungkol sa bayarin namin ni Aizen sa bangko." Napatiim bagang pa ako habang nagsasalita.
"Ganito gagawin natin Tol mamimigay tayo ng Flyers para makakuha tayo ng dagdag na customers." Suhestiyon ng kaibigan kong si Cedrick.
"Kung gusto mo patulong na rin tayo sa tropa ni Aki para mapromote itong carshop tutal marami silang fans at followers. Matutulungan nila tayo mapromote itong car shop." Patuloy ng kaibigan kong si Cedrick.
"Huwag Ced ayaw kong malaman nila na humihina itong carshop." Tutol ko sabay hakbang palapit sa kalsada.
"Bakit naman tol?" Kunot noo pa si Cedrick nang maapatanong sakin.
"Basta huwag Ced! Kakayanin ko itong carshop alang-alang kay Aizen. Responsibilidad ko itong negosyo naiwan niya para sa mga anak namin, kaya kailangan gumawa ako ng paraan mapalakas itong shop."
Samantala sa Admin Office ng Jowa Moko Milktea shop....
PHONE RINGING...
"Admin office, Good Morning!"
"Oh Kuya Brent kamusta napatawag ka?" Bulalas ni Kiskey nang madinig ang boses ni Brent sa kabilang linya.
"Yes Kuya Brent ako nga ang nag-aasikaso ng lahat ng transaction ni Aizen noon, Bakit may problema ba?" Tanong ni Kiskey kay Brent.
"Hmm kasi since ako personal secretary ni Aizen noon puwede kong i-check yan bank loans niyo ni Aizen. Sige tutulungan kita Kuya Brent huwag kang mag-alala."
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
FanfictionBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...