😀Chapter 25 Vice President

473 46 5
                                    


Brent pov

Kasalukuyan akong nagpriprito ng scrambled eggs at hotdog. Matapos nun ay nagluto ako ng fried rice paborito kasi ng kambal. Ilang araw na din kasi hindi nakakain nito si Aiken kaya matutuwa siya.

Bigla na lang nag ring ang phone ko na nakalagay sa lamesa, nang tingnan ko ay numero ni Kurt hindi ko ito pinansin bagamat hindi ko nireregister at kabisado ko pa rin ang mga huling numero niya. Pinagpatuloy ko ang aking pagluluto ngunit muli na naman nagring ang phone ko.

"Ikaw na naman Kurt, hindi mo na naman ako pinatatahimik!" bulong ko sa sarili ko.

Kaya bago pa ko mabwisit ay kinancel ko ang tawag niya. Noong isang gabi matapos namin magniig namin ni Aizen ay napilitan akong lumabas para katagpuin siya sa isang hotel. Tinapos ko na ang kung anong namamagitan samin ipinaliwanag ko sa kanya na hindi na ko makikipagkita sa kanya. Nagbalik na si Aizen pinutol ko na kahibangan niya sakin.

Pero heto ngayon ay hindi niya pa rin ako tinatantanan. Muli naman nag ring ang phone ko kaya sinagot ko na tawag niya.

"Ano bang hindi mo naiintindihan sa salitang ayaw ko na!!!" napataas ang boses ko.

"Brent? Narinig kong sumigaw ka bakit?" Bungad sakin ni Aizen na galing sa kuwarto niya.

Nakatingin siya sa akin na may pag aalala. Lumapit siya sa akin para akoy halikan saking pisngi.

"Ah k-kasi m-may problema lang ako sa kausap ko."

"Hmm may kausap ka pa ata sa phone mo."

"Ah oo nga pala, sige kausapin ko lang itong kapartner ko sa negosyo."

Pinatay ko muna electric stove at nagdudumali ako pumunta sa balcony.

"Kuya anong nangyayari bakit kanina mukhang galit ka ata? Nag aaway ba kayo ni Aizen?"

Saglit akong natigilan si Aki pala ang nasa kabilang linya.

"H-hindi may kausap lang ako kani-kanina lang akala ko ay tumawag siyang ulit, pero teka nga pala bakit ka tumawag?"

"Kuya nagsasagawa na ng prayer vigil at rally dito sa tenement. Sinabihan na kami ni kapitan na malapit nang mabili itong lupa ng tenement. Anong gagawin natin kuya?"

Nagkuyom ang kaliwang palad ko, uminit pang lalo ang ulo sa ginagawa ni Kurt.

"Kuya?"

"Brent halika muna panoorin mo itong balita sa tv."

Kaagad akong sumunod kay Aizen para magtungo sa sala upang matunghayan ang balita.

Kitang kita sa screen ang pagrarally ng mga tenement upang ipanawagan na itigil ang pagbenta ng titulo ng lupa ng buong tenement.

"Brent, sila Mama Mira at Papa Vergel nasaan?"

Nangangatog ang tuhod ko sa kaba para kanila Mama at Papa, malapit na ko matuliro sa panggigipit sakin ni Kurt na magtrabaho sa kanya bilang escort service. Parang nagsisi tuloy akong tinanggap ko ang tulong niya sakin pero kung hindi ko naman gagawin yun baka hindi na namin kasama ngayon si Aiken.

"Brent?" napatingin pa ko kay Aizen ng tawagin niya ko muli, nagi

"Sila Mama at Papa papuntahin mo na sila dito?"

Hinawakan ko ang kamay ni Aizen at tiningnan ko siya sa kanyang mga mata. Walang salitang lumalabas saking bibig pero hinawakan niya aking pisngi at sabay tango, tanda ng pag sang ayon niya sa aking hihilingin na pagtira pansamantala ng pamilya ko dito sa condo.

Bilang ganti ay hinalikan ko naman sa labi si Aizen.

"Hindi pa ko nagmumumog,"

"Zenzen puwede ko ba mahiram ang susi ng kotse."

[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon