Pagkalapag ng eroplano sa airport samu't saring emosyon ang nararamdaman ko. Takot sa kakaharapin na sitwasyon, pag alala dahil nangangamba ako baka hindi ko mapagtagumpayan ang plano at kaluwagan sa dibdib dahil para akong nakawalang ibon sa hawla nang makarating na ko dito sa pilipinas.Sa wakas magkakaroon na ko ng chance na makita ang mga magulang ko at malaman kung sino ba talaga ako. Pagkalabas kong departure area napaisip ako kung ano bang dapat kong unang gawin; ang hanapin ang aking pamilya, ang hanapin ang ina ni Kurt o hanapin mismo si Kurt. Buong biyahe ko sa flight ko ay yun ang mga umiikot saking isipan?
May isang bagay pa pala, Ano ba talaga pinagkaka abalahan ni Kurt dito sa pilipinas. Nahihiwagaan ako kung ano ang dahilan ng pamamalagi niya dito?
Palabas na ko ng airport napahinto ako ng mag ring ang phone ko. Isang unregistered number ang tumatawag sakin. Marahil siya na ang sinasabi ni Bryce na makakatulong ko dito sa misyon ko. Pagkasagot ko isang baritonong boses ang sumagot sa kabilang linya.
"Hello ikaw ba si Angelo kaibigan ni Bryce?
"Ako nga, Nasaan ka? Saan kita makikita?" Sagot ko.
"Nakita na kita, nandito ako sa entrance ako yun nakasuot ng shades." Kaagad niyang sagot sa akin.
"Nasa entrance ka saglit lamang lalapit na ko nearsighted kasi ako, blurd ang nakikita ko sa malayo." paliwanag ko.
Pagkalapit ko sa entrance isang matangkad na lalaki ang kumakaway sakin. Guwapo ang lalaking ito maganda din ang tindig, hindi kalakihan ang katawan kung baga toned lang at hindi siguro mahilig magkakain.
Pagkalapit ko ay saka ko lamang napagmasdan ang mukha niya, pang european ang features ng mukha niya. Tamang paghanga lang naramdaman ko sa kanya at siya naman ay paulit-ulit na tinitingnan ako mula hanggang paa. Ibinaba ko na ang tawag sa phone ko at hinarap siya, ganoon rin siya.
"Im Zarchy Apacible." Matipid niyang sabi.
"Angelo Bautista pero hindi yan ang tunay kong pangalan. Kasi yan ang sinabi sakin na pangalan ng..."
"Ni Kurt Rutherford."
Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko at dinugtungan na niya.
"So what your plans?" tanong niya sakin.
"Marami akong dahilan kaya umuwi ako dito sa pinas." malungkot kong sabi.
"I mean gusto mo muna kumain or what?" Paglilinaw niya.
"Hindi busog ako gusto ko lang muna magpahinga at mag isip-isip."
Na lagi ko naman ginagawa ang mag isip ng mag isip.
"Pero kung gusto mo kumain sasamahan na lang kita." bawi ko.
Bahagyang nagliwanag ang mukha niya na dahil pumayag na kong gumala pa, kanina kasi ay walang emosyon ang mukha niya.
"Gutom na rin kasi ako eh, I know a restaurant na may na masasarap ang pagkain baka mapakain ka na din sa sarap ng mga food servings nila."
"Alright, sige." matipid kong ngiti.
Pumara kami ng taxi at nagpahatid sa restaurant na sinasabi niya. Pagkadating namin sa isang restaurant ay siya na mismo ang umorder para sakin.
"Try mo itong beef brocolli sobrang sarap niyan at saka it's my treat ha kung may gusto ka pang iorder huwag kang mahihiyang magsabi Aizen."
"Salamat."
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
FanfictionBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...