Aizen pov
"Mama at Papa natutuwa talaga ko nakasama ko na kayo ngayon."
Yakap-yakap ko ang aking mga magulang, dito sa kalagitnaan ng pathway ng mall. Hindi ako nahihiya pagtinginan ng mga tao dahil masayang masaya akong kasama sila.
"Kami din anak masayang masaya kami natagpuan ka na namin." wika ni Mama.
"Matagal ka na namin hinahanap anak kaya malaking utang na loob namin kay Kurt, nang dahil sa kanya ay nagkita- kita tayong muli." ani Papa.
"Gusto kong bawiin ang lahat ng pagkakataon, mga oras na hindi ko kayo nakasama Mama, Papa kaya dahil dyan buong araw tayong mamasyal ipagsha-shopping ko kayo at kakain tayo sa masarap na restaurant." Nagagalak kong sabi.
"Ah eh hindi mo naman kailangan gumastos ng pera anak sapat na makasama ka namin muli." ani Mama.
"Mama gusto kong magcelebrate, ipagdiwang natin ang muling pagkakasama-sama nating lahat, isa na tayong buong pamilya."
"Kaya tara na habang maaga pa madami pa tayong pupuntahan!" Masayang sabi ko.
Umakbay ako sa bawat balikat ng aking mga magulang na ngayon ko lamang natagpuan. Masaya kaming naglalakad nang biglang may mga batang bumangga sa akin harapan.
Natumba ang isa sa mga bata nakasalubong ko. Tinulungan ko siyang bumangon, nang ako'y kanyang tingnan malungkot ang kanyang mga mata, napakaganda kulay asul na parang hinaluan ng kulay abo ang nagtutubig na mga mata nito.
"Dada?" Sambit ng batang nakatingin sakin.
"Hindi siya ang Dada natin, halika na hinahanap na tayo ni lola." saad ng isa pang bata na sa tingin ko'y magkapatid sila.
"Siya ang Dada natin, ikaw ang Dada ko."
Yumakap sakin ng mahigpit ang batang umiiyak kaya napayakap na rin ako sa kanya. Sabay haplos sa likod nito upang tumahan ito sa pag iyak.
"Magkapatid ba kayong dalawa?" Tanong ko.
"Magkambal po kami." ani ng isang batang sa murang edad ay parang maton kung kumilos.
"Hmm saan kayo pupunta at saka wala ba kayong mga kasama,baka maligaw kayo dito sa mall."pag-aalala ko.
"Dada ko, miss na miss na kita Dada ko." Patuloy na sabi sakin ng maputing bata na kagaya ko ay sungkit din ang mga mata.
Nakakaantig ng damdamin ang pagiyak ng batang nakayakap sakin halos maapektuhan na rin ako, parang natuyot at sumasakit ang aking lalamunan ng ako'y muling magsalita.
"Bata, Hindi kasi ako ang Dada mo eh."
"Oo nga hindi siya ang Dada natin ang kulit talaga nito oh." Saad ng kapatid.
"Ah Anak Angelo mabuti ipatawag na lang natin sa guwardiya ang mga magulang ng mga batang ito para makita na sila." Suhestiyon ni Mama.
Isang Ginang ang papatakbo papalapit samin. Humahangos ito na may mga dalang bag.
"Naku mga bata kayo naririto lang pala kayo kung saan saan ko kayo hinanap.
"Lola?" sabay na sambit ng magkambal.
"Ginang huwag po sana ninyo mamasamain ang sasabihin ko, alam niyo naman sa panahon ngayon nagkalat ang masasamang tao baka mamaya ay mapano sila, ingatan niyo ang mga bata na huwag mawalay sa inyo." Wika ko.
"Naku pasensya na sa mga apo."
Tumayo ako dahilan para humiwalay ako sa mahigpit na pagkakayakap ng bata.
"At kayo naman gusto niyo bang makuha ng mga bad guys?" Baling ko sa kambal.
"Ayaw po." parehas nilang tugon.
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
Fiksi PenggemarBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...