Spocky...Kinontak ko si Kuya Brent para ipaalam na buhay si Aizen minarapat ko na din na magkita na sila kasama si Brandon.
Awang-awa akong pinanuod si Aizen na umiiyak habang hinahalik halikan ang kamay ni Aiken.
"Kailan pa naaksidente ang pamangkin ko?" tanong ni Kiskey.
"Mahigit isang buwan na ang nakalilipas, nadisgrasya si Aizen sa hagdanan ng mall."
"Sino ang may kapabayaan kaya nadisgrasya si Aiken?"
"Y-yun, yun..."
Huminga ako ng malalim bago itinuloy ang aking sasabihin.
"Nakakilala si Kuya ng isang babae naging sila, sa kanya ipinagbilin ni kuya si Aiken para mag CR. Pero pagbalik niya nadisgrasya na si Aiken. Pero wala na sila hiniwalayan na ni kuya sa dahil sa kapapabayaan nito."
"Oh my Gosh, kailangan hindi malaman ito ni Aizen , magagalit siya pag nalaman niya ang tungkol sa nangyari. Hindi maganda ang pinagdaanan ni Aizen nang magkamalay siya at alam mo ang mga huling nangyari bago siya mamatay."
"Sana pala hindi ko muna kayo dinala dito sa hospital."
"Mangyayari pa rin ito Spocky babalikan niya ang mga nakaraan sa nakalipas. Ano ba yun tatlong taon nawala siya ng matagal."
"So paano ang gagawin natin?"
Napalumbaba si Lime habang nag iisip. Napasimangot pa ito sabay tingin sa akin.
"Masyado ng nasaktan si Aizen sa mga nangyari sa kanya over the past four years, hindi mainam na dagdagan pa ng dusa niya. Mas maganda sigurong aliwin mo muna natin si Aizen kung sakaling magtanong siya ipaalala natin yun iba pang bagay na dapat niyang balikan.
"Ano bang nangyari kay Aizen bakit ngayon ay buhay pala siya."
"Lahat tayo yun ang alam pero itinago pala siya ni Lolo satin para mapanatili siyang ligtas, nang matiyak na kalagayan ni Aizen idinala siya ni Lolo sa New York para sa full recovery ang problema na comatose pala si Aizen. Ngayon ko lang din nalaman ang bagay na ito.
"Bakit hindi pinaalam ni Chairman ang bagay na ito samin ni Kuya o kahit sa akin na lang para ako na lang ang nagbantay kay Aizen."
"Aki may gusto ka pa rin ba sa kapatid ko?"
"Hindi mawawala ang pagmamahal ko kay Aizen kahit mahal na mahal siya ng kapatid ko."
"Totoo ang sinabi mo na hindi maganda ang nangyari kay Aizen nang magkamalay na siya. Kung sana hindi siya inilayo ni Chairman Mao hindi niya daranasin ang hindi niya masabi sabi sakin kaninang yakap yakap niya ko. Ramdam ko yun paghihirap niya noong umiiyak siya sa balikat ko."
"Maski naman din ako mag ooffer din na ako na mag alalaga eh kaso yun nga ginawang hakbang ni Lolo. At nagkamali siya sa planong yun alam mo hindi porke CEO ka o nasa mataas kang katungkulan ay hindi ka na magkakamali sa buhay mo, kung ako nga di ko nga gusto ang lolo ko pagdating sa pamamalakad sa bahay at pagkontrol sa buhay namin magkakapatid."
"O huwag mo ko tingnan ng ganyan Lime pinagsisihan ko naman yun nagawa ko sa kanya noong una at saka inakala ko kasi siya si Haze noong sa madilim na kuwarto kami ng hotel. Parehas kasi sila ng height at katawan kaya napagkamalan ko siya si Haze."
"Oo nga magkasing taas at hubog sila ng katawan ni Aizen at Haze parehas silang payat, tama!"
Medyo nahihiwagaan ako sa sinasabi ni Lime tungkol kay Aizen at Haze.
"Tama hindi kaya ang katawan ni Haze ang ibinurol natin sa libing ni Aizen. Ngayon ko lang naalala na dapat ay nailibing din ang labi ni Haze noong namatay sila ni Aizen pero walang libing na naganap para kay Haze."
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
FanficBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...