Chapter 46 Masayang Pagwawakas

570 49 32
                                    


Masibagong palakpakan ang natanggap ko mula sa mga taong nagsipagdalo ng Asian CEO Awards ngayon gabi. Halos lahat sa kanila ay tulad kong may mataas na puwesto at nagmamay-ari ng mga kumpanya. Ang iba naman ay bagong luklok na tulad kong CEO. Sa aking pagmamasid may mga nakikilala akong kasabayan ng lolo ko na si Chairman Mao. Siyempre hindi mawawala sa ganitong mga pagbibigay ng parangal ang mga writers sa mga pahayagan at columnist sa mga magazines. Naalala ko din noon na ilang beses na rin akong napi-feature sa mga magazine dahil sa tagumpay mayroon ang Shau-Chen Corporation.

Nagpasalamat ako nang abutin ko ang plake bilang pagpaparangal sakin bilang Most Outstanding CEO ngayon taon. Lahat ay taglay ang mga ngiti ng mga bisita na narito sa loob ng napakaling grand ballroom ng isang hotel. Lahat sila ay nakaabang sa ibibigay kong speech.

"Muli akong nagpapasalamat sa inyong lahat at ngayon taong ito muli na naman ninyo akong ikinonsider ulit na isa sa mga mahuhusay na lider ng kumpanya. Batid ng iba sa inyo na mahigit 4 years akong nawala dahil sa ginawang pag-iingat sakin ng namayapa kong lolo na si Chairman Mao."

Huminga ako ng malalim at huminto saglit. Ramdam ko ang katahimikan sa loob ng ballroom ng hotel.

"Ma...mahirap ang... (Napatigil ako sa pag sasalita at nag umpisang lumalim ang paghinga. Ang mga mata ko ay nanlalabo dahil may namumuong mga luha). Mahirap ang pinagdaanan ko ng mga nakaraang taon nawala ang alaala ko at ni katiting na bagay mula sa nakaraan at pagkatao ko ay wala akong maalala. Ngayong taon din ito kung kailan muli kong nakasama si Chairman Mao, And yet he had pass away. Napakasakit kasi ang tagal naman di nagkasama tapos kinuha na siya ng ating Poong Maykapal."

"I dont want to get emotional this night actually I prepared my speech 2 days ago. Ang hirap pala kapag nandito ka sa harap ng entablado na ito na hindi mo na kasama ang life mentor mo. Na dati-dati kasama ko si Chairman Mao na pumapalakpak sakin gaya ninyo. Gusto ko siyang pasalamatan kasi ang lahat ng tagumpay ko na nakamit ay dahil yun sa mga itinuro niya. Bakit ko nga ba sinasabi ito sa inyo, Bakit kailangan kong ibahagi ang experience na naranasan ko. Alam ninyo kung bakit? dahil gusto kong ialay ang award na ito sa lahat ng mga pangkaraniwang empleyado ng ating mga kumpanya natin. Ang mga effort, pagpupursige, kasipagan nila kaya patuloy sa sumusulong sa pagunlad ang ating mga kumpanya. During the time na nagbalik ako wala akong ka alam-alam o idea kung ano na ba ang nagyari sa Shau-Chen Corporation pero nang dahil sa mga maliliit na kawani at mababang position na nagtatrabaho nalaman ko ang lagay ng kumpanya. Mula sa kanila nag umpisa akong ibangon muli ang sarili ko."

"Kaya ang award na ito ay para din sa mga ordinaryong manggagawa ng ating mga kumpaya. Miles maraming salamat sa tulong mo kung hindi dahil sa iyo siguro mahihirapan akong makabalik sa kumpanya. Nais ko din pasalamatan ang pamilya ko na hindi ako pinabayaan at lagi silang nakasupport sakin. Higit sa lahat sa kaibigan kong namayapa na rin na si Zarchy Apacible maraming salamat sayo saan ka man naroroon."

Dito ko na pinunasan ng panyo ang mga luha ko sa mga mata.

Nagpalakpakan ang lahat ng mga tao habang nakatingin ako sa table na kinauupuan nila Miles, Ate Lime, Kuya Jasper, Mommy Ives, Mama Mira, Papa Vergel , ang kambal at si Brent. Napakaganda at napaguwapo na nila sa suot na gown at suit dahil inyusan sila ni Miles ng pang formal attire.

"Gusto ko lang din ipagbigay alam sa inyo na may iba pa kong gustong gawin para sa sarili ko at makatulong sa lipunan natin. Nais kong pangunahan ang pagbuklodin ang lahat ng mga NGO, Charity Groups at mga bukas ang puso sa pagtulong sa mga nangangailangan at para magawa ko ito at bababa po ako sa puwesto bilang Chairman."

Napatayo si Mommy Ives, Miles at ilang board members ng Shau-Chen Corporation sa sinabi kong pagbibitiw ko bilang Chairman.

Kitang kita ko ang reaction ni Mommy at ang pagbuka ng bibig niya nang sambitin ang salitang 'Bakit'.

[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon