chapter 35 Ang plano ni Brent

569 65 15
                                    


Brent

Nakarating sakin na isinugod daw sa hospital ang pinakamamahal kong si Zenzen. Kaagad akong nagsabi kay Kurt na bibisitahin ko ang mga magulang ko.

Alam kong mali ang pumisan kay Kurt pero ito lang ang tanging paraan para maisakatuparan ko ang aking plano. Muli akong nagpasyang gamitin siya habang baliw na baliw siya sakin. Binigyan niya pa ako ng dalawang million Kurt para sa itatayo kong business. Negosyo ang alam niya pero ang totoo ay may paglalaanan ako sa perang iyon. Nasa gipit akong sitwasyon kaya kailangan kong gamitin ang utak ko para misaayos ko ang lahat.

Nagkakapangil na rin ako hindi na ko sunod sunuran kay Kurt. Nagagawa ko na din siyang tanggihan sa mga gusto niyang gawin sakin. Madalas akong umiinom at umaalis ng gabi para hindi kami nagpapang abot sa tinutuluyan namin hotel. Timing naman sobrang busy niya sa ipinapatayong gusali para sa bago niyang hotel kaya naiiwasan ko siya. Nakakalula ang yaman niya sa totoo lang pero kahit kailan ay hindi ako naging gahaman sa salapi. Totoo na boytoy ako ng mga mayayamang bakla at matrona noon pero ten years na ang nakalipas at bago pa kami magkakilala ni Aizen. Maski si Aizen ay hindi ko siya ginamit para pagkaperahan. Ako mismo ang nahulog kay Aizen at pinaibig niya ko ng sobra sobra kahit wala naman siyang pagtingin sakin noon. Ni hindi man lang ako nakaranas na akitin niya at samantalahin ang aming sitwasyon. Hindi siya katulad ng ibang mayamang bading na mapagsamantala sa kagaya kong lalaking lumaking dukha. Talagang minahal ko ang napakabuting kalooban niya. Naalala ko noong pagkatapos ko siyang kidnappin at naging bodyguard niya ay napakakulit niya noon. Palagi niya kong tinatakasan at parang bata na hindi mapagsabihan na hindi iniingatan ang sarili niya. Isa siyang high profile sa lipunan pero kapag kasama ko siya parang ordinaryong tao lang.

Ngayon ko lang naisip na kay Aizen talaga nagmana ng kakulitan si Brandon at hindi sakin.

Hinatiran ko muna sa gate ng malaking mansion ang mga anak ko ng mga paborito nilang doughnut, mga coloring book para kay Aiken at nga leg bricks car lahat yun ay galing sa ipon kong pera noon may car accesories shop pa ako. Namimiss ko na talaga mga anak ko. Gustuhin ko man makausap sila kahit saglit ay hindi ko magawa dahil kailangan kong umalis agad. Ilang araw ko na din kasing napapansin na may sumusunod sakin. Mga tauhan ni Kurt.

Bitbit ko ang isang basket na may mga prutas at iba pang paborito niya gaya ng maha blanca , Lala na tsokolate, red velvet with cream cheesse flavored milktea, kili-kili ko na madalas amoy amoyin at malalaking braso ko na lagi niyan inuunan habang pinipisil pisil.

Papasok sana ako sa kuwarto ni Aizen dito sa hospital, pero napahinto ako nang masilip ko salamin ng pintuan ang kapatid kong si Aki at si Razzo na kausap ang mahal ko.

Kitang kita kong matalim ang tingin ni Aki kay Razzo. Hayyys ang kapatid ko hanggan ngayon may gusto pa rin kay Aizen. Sa halip na magselos ako naisip kong mas mainam yun dahil mababantayan niya si Aizen. Mas may tiwala pa rin ako kay Aki kaysa sa loko lokong si Razzo.

"Oh Tol bakit hindi ka pumasok sa loob tara!" nagulat pa kong biglang tapikin ng malakas ni Cedrick ang balikat ko.

Kaagad kong sinenyasan si Cedrick nang huwag maingay. Lumayo ako ng kunti dahil baka marinig kami nila Aizen.

"Hindi na Tol iwan ko na lang tongga dala ko. Ayaw kong maka istorbo sa kanila." sabi ko.

"Dapat kasi inagahan mo naunahan ka tuloy." sabay higop ni Cedrick ng kape.

"De bale na lang pakisabi na lang sa asawa ko mahal na mahal ko siya. At saka nga pala tuloy tayo mamaya sa usapan natin." paalala ko.

"Sure basta ikaw Tol, alam mo naman napaka loyal ko sayo eh. Kita mo naman kahit nagkasamaan tayo ng loob isang tawag mo lang. Nagbalik agad ako para utusan mo lang na bantayan si Aizen. Ikaw ata bestfriend ko ang nag iisang Machong Pogi ng tenement."

[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon