Nagising ako na naglalakbay ang malapad at matigas na kamay ni Brent magmula sa aking balikat papunta saking dibdib. Niyakap ako nang mahigpit ni Brent. Sa sobrang higpit qy hindi ko maiwasan mapahinga ng malalim."Good Morning Zenzen ko." Bati sakin ni Brent sabay halik sakin batok.
"Good Morning too Hubby." Tugon ko.
Sa sobrang ginaw ng aircon dito sa kuwarto ng aming condo. Mas lalo tuloy ako niyakap ni Brent na pati binti niya ay ipinatong na niya saking binti. Nagbalik ang saya ko nang muli namin nalampasan ang matinding pagsubok sa buhay. Naisip kong magiging masaya na naman ang condo na nagsilbing love nest namin ni Brent mula pa noon.
"Aizen."
"Yes Brent."
"Aizen..." muling sambit ni Brent sa pangalan ko.
"Gising ka na ba parang hindi pa ah." Patuloy ni Brent.
"Ha hindi ako sleep walker ah at saka may tulog bang kanina pang dilat at sumasagot." Sagot ko.
"Eh kasi parang hindi ka pa rin gising, dati-dati pagkamulat mo kahit tulog pa ko niyayakap at nilalambing mo na ko kahit tulog pa ko." Halata sa tono ni Brent na may kunting tampo o namimiss niya lang talaga yun dati namin paglalambingan sa isa't isa.
"Hmmp nagbabago ang tao Brent di ba may kasabihan na there is no constant in this earth except change." sabi ko kay Brent.
"Hala bakit ganyan ang sinasabi mo sakin? Hindi mo na ba ko mahal? Galit ka pa rin ba sakin akala ko ba napatawad mo na ko."
Hinawakan ni Brent ang balikat ko para iharap niya ako sa kanya. Nakatagilid kasi akong nagising ng yakap niya.
Kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot, hindi niya inaasahan sinabi ko. Patuloy ko lang siyang tinitingnan pero si Brent naghihintay muli nang sasabihin ko.
"Aizen mahal na mahal kita pinagsisihan ko lahat ng mga nagawa ko. Please patawarin mo ko magsimula tayo kalimutan natin ang lahat ng masasamang nangyari. Magsimula ulit tayo gumawa tayo ulit ng magandang plano, pangarap sating dalawa. Hindi ko kayang mawala ka sakin Aizen. Noon pa pinagsisihan ko na lahat ang mga nagawa ko." Halos mautal pa si Brent habang sinasabi ang mga salitang iyon na gusto kong marinig.
Sapat na yun para makumpirma kong handa na muli si Brent sa panibagong yugto ng aming buhay. Naramdaman kong lubos na niyang pinagsisihan ang mga nagawa niya noon.
Hinalikan ko ang palad niyang nakadampi saking pisngi. Tila isang power button ang ginawa kong yun na sa isang iglap ay nagdiwang si Brent. May ngiti sa kanyang labi habang nagpupunas ng nangingilid niyang mga luha.
Tinulungan kong punasan ang luha sa kanyang mga mata. Hay ang brusko ko marunong din nga pala talagang umiyak. Kung sabagay hindi lamang iyon ang huli kong nakita siyang umiiyak. Naalala ko nang nagalit siya sakin nang kasama ko si Chairman Mao at si Mama Ives na naging dahilan para atakihin si Mama Mira. Pangalawa nang pilitin kong siyang kausapin habang nasa ER si Mama Mira. Pangatlo nang nasa bingit ako ng kamatayan nang iharang ko ang sarili ko sa ipinutok na baril ni Lance."Aizen, mahal na mahal kita akala ko ayaw mo na sakin." Wika ni Brent.
"Puwede bang mangyari yun, It will never gonna happen na mawawala ang pagmamahal ko sayo. Minahal ko ang buong pagkatao mo, ang kakulangan mo ang nakalipas mo. What more pa kaya ang kasalanan na ang katapat ay pagpapatawad. I love you so much Brent ibinigay ka sakin ni Lord kaya kahit kailan hindi kita bibitawan."
Nakaharap na ko kay Brent nang akoy yakapin niya.
"Akala ko hindi na ikaw yun dating Aizen na nakilala ko na malambing palagi."
BINABASA MO ANG
[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My Rival
FanfictionBabala naglalaman ng mga eksena hindi angkop sa Minor age, patnubay ng Author ang kailangan. Hi Beb kung ikaw ay new reader ng nitong aking bagong story, mangyari basahin mo muna ang My Bodyguard, My Lover. Dahil ang My Ex, My Lover ay sequel ng...