Chapter 36 Kapahamakan kay Brent

553 45 36
                                    


"Ced dito!" sigaw ko habang kinakawayan ko ang bestfriend kong Cedrick.

"Nakabalik na pala si Cedrick dito sa Manila?" tanong ni Kiskey.

"Pinabalik ko para may magbantay kay Aizen. Alam kong safe naman siya pero hindi pa rin mapanatag ang kalooban ko. Kailangan may nagbibigay sakin ng impormasyon tungkol sa mga nangyayari kay Aizen."

"Tol kasama mo pala si Kiskey di mo man lang sinabi sakin." bungad ni Cedrick sa amin.

Narito kami sa food park kung saan napakadami ng taong kumakain. Napili kong dito kami magkita kita nila Cedrick at Kiskey. Inisip kong hindi ganitong klaseng lugar ang puwedeng puntahan ni Kurt. Bukod dun kung pinasusundan ako ni Kurt sa mga tauhan niya ay hindi ito makakalapit samin.

"Hi Babe kamusta ka na? Medyo tumaba ka ah." sabi ni Cedrick kay Kiskey.

"Sa dinami dami ng puwedeng sabihin napansin mo pa pag gain ko ng weight, bastos ka talaga!" tugon ni Kiskey.

"To naman hanggang ngayon di ka na nasanay sakin Babe." ani Cedrick.

"Ewan ko sayo, kamusta ka naman bakit nga pala nagbalik pa?" bahagyang natatawang sabi ni Kiskey.

"Eh yun nga kasi itong si Utol hindi ko mahindian kaya bumalik ako, pinababantayan kasi niya sakin ang kanya loveydabs. Hayy ang buhay pag ibig nga naman napakahirap minsan."

Bigla na lang naging emotional si Kiskey na nasa tabi ko.

"Im very sorry Kuya Brent kasalanan ko ang lahat kaya nangyayari ito." tumutulo ang luha ni Kiskey na kaagad ko naman inabutan ng tissue.

Nakakunot noo naman si Cedrick sa paghagulgol ni Kiskey.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo Kiskey may kasalanan naman din ako kung bakit nangyari iyon."

"Yun nga Kuya Brent kung sinabi ko kaagad sa iyo na buhay pa si Aizen, malamang kaagad mo siyang pinuntahan sa New York. Nasolusyunan niyong dalawa ni Aizen ang pagkalugi ng shop at hindi ka nakahingi ng tulong sa Kurt na yun."

"Teka sinasabi mo bang itinago mo samin na buhay pa pala si Aizen. Bakit nagawa mo iyon Kiskey?" tanong ni Cedrick.

"Alam ko kasing magbabago ng pagtingin sakin ni Aki kapag nalaman niyang buhay pa pala si Aizen. Patawad sa nagawa ko."

"Tama na Kiskey pinapatawad na kita, Ganoon din si Aizen patatawarin ka din niya. Alam mo naman di ba parang magkapatid na kayong dalawa." saad ko.

"Tsk si Aki pa talaga, Talaga bang hindi ka nagagagwapuhan sakin? Guwapo naman ako ah, Daks pa hardfucker din try mo lang ako Kiskey hindi ka magsisisi." sabi ni Cedrick na halatang pinagagaan ang loob ni Kiskey.

"Yan ang ayaw ko sayo eh Baliw ka." sa wakas ay napapangiti na din ang kaninang umiiyak na si Kiskey.

"Halika nga rito." hinatak ni Cedrick silyang inuupuan ni Kiskey sabay akbay nito sa balikat.

"Hmm!" angal ni Kiskey sabay hampas sa braso ni Cedrick.

"To naman akbay lang eh, pero puwera biro sakin ka na lang kasi Kiskey. Kaya ko naman magseryoso sayo, kaya ko naman din gawin ang mga ginagawa ni Brent sabihin mo lang." malambing na sabi ni Cedrick.

"Bagay naman kayong dalawa ah." saad ko.

"Kaya nga, oh huwag ka na umiyak Kiskey nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak. Kung kailangan mo ng karamay nandito lang ako."

"Salamat ha."sabi ni Kiskey.

"Oo nga pala, Buti inimbitahan ka ni Brent dito , Wait Brent huwag mong sabihin si Kiskey ang gagawa ng..." napahinto sa pagsasalita Cedrick nang magtanto niyang si Kiskey ang maghahanap ng mga dokumentong kailangan nila Aizen.

[Book 2 Of My Bodyguard My Lover] My Ex My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon