aayaw ko – ayoko
adi – eh 'di
ahin – akin
bahin – bakit
ga – ba
hana ga eh – please
kako – sabi ko
laang – lang
LIS – Lubang Integrated School
SMS – Stella Maris School
yanga – talaga
"Nasabi ko na pala sa Tita Ella na may crush ka sa anak niya", nakangiting pagbabalita ng aking Mama.
"Yanga?" napatigil ako sa pagsubo ng pasalubong niyang Banana Que.
"Oo."
"Anong sabi, Mama?"
"Kailan?"
"Saan?"
"Bakit?"
"Paano?" sunud-sunod kong tanong.
"Ay ano ga namang dami noon?" natatawa nitong reklamo.
"Hana ga, Mama eh. Magkuwento ka", paglalambing ko.
"Anong sabi? Ko? Adikako'y crush mo ang anak niya."
"Anong sabi ng Tita Ella?" naku-curious kong tanong.
"Adi natawa."
"Boto ga raw siya sa ahin, Mama?" muli kong tanong.
"Kailan at saan? Nakita ko sa munisipyo kaninang tanghalian", iwas niya sa tanong ko.
Munisipyo? Mmm-hmm. I forgot to mention, Social Worker ang aking butihing Ina at sa Health Center siya nagtatrabaho, ilang tumbling lang ang layo sa munisipyo.
"Ay boto ga raw, Mama?" ulit ko.
"Bakit? Adi para aware siyang may nagkaka-crush sa anak niya", muli niyang pag-iwas.
"Mamaaa! Ang itinatanong ko ay kung boto eh!" pag-i-insist ko.
"Paano? Adi chinika ko muna tapos sinabi kong may crush ang panganay ko sa panganay niya," nakangiti niyang sagot.
"Mama naman eh!" nakanguso kong reklamo.
"Zyra pala ang pangalan noon", pagbabalita niya.
"Ah, Zyra pala", abot-tenga ang ngiti ko nang malaman ko ang pangalan niya.
"Ay ang sabi ko nga sa Tita Ella ay susulat ka kay Zyra. Iabot ko na laang daw sa kanya.
"Aayawko na pala", pagbabago ko ng isip.
"Ay bahinga na naman?"
"Iikutan ko na laang."
"Sa SMS daw magha-high school si Zyra. Adi ga't sa LIS ka?" pang-aasar niya. Alam kasi niyang mas gusto kong mag-aral sa public shool.
"Hindi na, Mama. Sa Stella Maris na pala ako magha-high school", desidido kong pasya.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceMarami ang nagtatanong. . . "Sino ba si Pinky?" "Kaanu-ano mo si Pinky?" "Ano ang ikinamatay ni Pinky?" "Bakit wala kang ibang bukambibig kundi Pinky?" Well, let me tell you our story. . . https://www.youtube.com/watch?v=uzwbhkq75J0&feature=youtu.be...