Jealous Pinky

625 11 0
                                    

aayaw ko – ayoko

adi – eh 'di

ahin – akin

anlagay – hindi naman puwede

ga – ba

hala – sige

laang – lang

labis – sobra

maalam – marunong

Nana – Lola

ngay-on – ngayon

surahin – asarin

"Kasama ga talaga kami sa meeting?" tanong ni Yish, isa sa mga batch mates naming sobrang mahiyain.

"Oo naman", nakangiti kong sagot.

"Adi ga't meeting ito para sa intermission number?" tanong naman ni Patsy, isa rin sa batch mates naming you know what I mean.

"Sasayaw tayo", simula ni Pinky.

"Huh?"

"Aayaw ko."

"Hindi ako maalam."

"Magkakalat laang kami doon."

"Aba ay masisira laang ang Feast Day natin."

"Hay! Baka surahin laang ako ng ahing crush eh."

"Manonood ang ahing Ama't Ina, nakakahiya."

"Parehong kaliwa ang ahing paa."

"Ay kayo na ga laang eh."

"Ay hindi naman ako pinapanood. Tagapanood laang ako."

"Nahihiya ako."

"No way."

Iba-ibang reaction ng mga kaklase namin. I knew it! Tsk! Kahit naman ako, 'di ba? Mga naiiisip ni Pinky talaga. Ah eh. . .it was my idea pala.

"Ano ga kayo? Last year na natin ito. . ." sagot ni Pinky sa samut-saring reklamo.

"Ga-graduate na tayo", paalala ko.

"Saka wala namang mawawala, 'di ga?" salo ni Pinky. "Anlagay lagi na laang tayong taga-palakpak? Dapat tayo naman ngay-on ang papalakpakan, right, Nanang Apiang?" sabay kindat niyang baling sa 'kin.

"Aba ay minsan laang mag-English iyan", nakangiti kong pang-aasar. "Anlagay hindi ninyo pagbibigyan?" balik-kindat ko kay Pinky na halatang nagpakilig sa kanya. "Saka sawang-sawa na ang tao sa amin. . .kami na laang lagi taun-taon ang napapanood tuwing Feast Day. Adi this time, kayo naman", nanghihikayat kong dugtong. "Right, Nanang Pingkay?"

"Ako, Nanang Apiang", salo ni Pinky sa sinasabi ko. "Hinding-hindi ako magsasawa sa 'yo."

"So. . ." baling ko sa mga ka-meeting namin. "Game?"

"K-kami laang?" tanong ni Jay, halatang interesado pero sobrang kabado.

"G-game ako pero gusto ko lahat tayo", sagot ni Mika.

"Adi hala! Game din ako", sang-ayon ng isa pa.

"Go!"

"Basta kasama si Epey. . ." sabat ni Marie na medyo hindi nagustuhan ni Pinky.

"Labis na pala kami ng isa", baling nito kay Marie. "Kung gusto mong sumali, umayos ka", mataray nitong bulong na narinig ko.

"Kasama ako pero sa likod ako. . .back-up ninyo ako", matamis ang ngiti kong sagot.

"Sa likod kami", sang-ayon ni Pinky. "Sa unahan si Marie."

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon