Ang naging dahilan kaya ng pagkatalo ko sa The Bachelor ang maging dahilan ng pagkapanalo ko sa That's My Tomboy?
"Heto na ang resulta. . ." pag-a-anounce ni Billy Crawford. "Unahin muna natin ang dalawang runnners-up. To receive Plaque of Recognition and Fifty Thousand Pesos each."
"To be awarded by Daniel Matsunaga and Jhong Hilario", salo ni Vice Ganda.
"Our runners-up are. . ." pambibitin ni Billy Crawford. "Candidate number. . .thirty-nine, Rejoice "Phao" Faraon and number. . .one, "Kim Claudine "Kim" Andaya."
Oh, my God! Oh, my God! Tatlo na lang kaming natitira!
"Again, to receive Fifty Thousand Pesos and a Plaque", ulit ni Vice Ganda. "Next to be awarded is our Second-Runner-Up. . .Our Second-Runner-Up will be receiving Plaque and One Hundred Thousand Pesos", dugtong nito.
"To award the Second-Runner-Up is Charice", pag-a-announce ni Billy Crawford.
"Madlang People! That's my Tomboy Second-Runner-Up is. . ." pambibitin ni Vice Ganda. "Candidate number. . .twenty-five, Isabel "Sky" Teotico."
Totoo ba? Dalawa na lang kaming natitira? Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Habang ina-award-an ni Charice si Sky, nagsisigawan na ng "Herher" ang mga tao.
"Ang pangalang susunod nating tatawagin. . .", pag-a-announce ni Billy Crawford.
"Epeyyy. . ."
"Herherrr. . ." hiyaw ng mga tao.
"Ay. . .ang ating That's My Tomboy Grand Winner!"
Kinakabahan ako. Natatakot ako. Ninenerbiyos ako.
"And automatically, ang maiiwan ay ang First-Runner-Up na makakatanggap din ng Plaque at Two Hundred Thousand Pesos."
"Uulitin po natin, baka malito kayo", paalala ni Vice Ganda. "Ang tatawagin po namin ay ang Grand Winner. So, ang maiiwan, siya ang First-Runner-Up."
"To award the Grand Winner, we have Ms. Ai-ai delas Alas and to award our First-Runner-Up, Ms. Iza Calzado", Billy Crawford said. "Once again, ulitin natin. . .ang tatawagin kong pangalan ay ang kauna-unahang Grand Winner ng That's My Tomboy. Heto na! To receive three hundred thousand pesos. . .our very first Grand Winner for That's My Tomboy is. . ."
"Epeyyy. . ."
"Epeyyy. . ."
"Epeyyy. . ."
"Candidate number. . ." pambibitin ni Billy Crawford.
Pinky smiled.
"Ten! April Mariz "Epey" Herher!" sabay-sabay na pag-a-announce ng tatlong hosts.
Pinky smiled.
Kaya pala hindi ako nakapasa sa The Voice of the Philippines dahil pang-Tomvoice of the Philippines ako, yohohohohohoho!
Nang in-announce na ako ang panalo, nagtakbuhan sa akin palapit ang mga ka-shiboli-bambams ko. Congrats here! Congrats there! Congrats everywhere! Pero ang tanong ko sa kanila, "Ano nga ulit ang sagot ko? Hindi ko maalala." Ang sagot nila, "'Yong kay Arnold Clavio. . ." Pero hindi 'yon ang tinatanong ko. Ang gusto kong malaman ay ang sinabi ko bago 'yong quote. Ang gusto kong malaman ay 'yong sinabi kong Tagalog. Hinanap ko sa audience 'yong babaeng may familiar na mata pero hindi ko na siya ulit nakita. Sumapi ba si Pinky sa kanya? Did she hypnotize me habang sumasagot ako kanina? Bakit hindi ko maalala 'yong first part ng sagot ko sa tanong ni Vice Ganda?
Ah, basta! Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga! Yohohohoho! Basta masaya ako! Masayang-masaya ako! Alam kong hindi ako pinabayaan ng best friend ko! Maaaring simula lang 'to ng mga pangarap niya para sa 'kin o maaari ring ito na mismo ang pangarap niya. Either way, I'm happy that I made one of her dreams come true. And I will forever be grateful na may isang Pinky Taneca-Tagoy na dumating sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceMarami ang nagtatanong. . . "Sino ba si Pinky?" "Kaanu-ano mo si Pinky?" "Ano ang ikinamatay ni Pinky?" "Bakit wala kang ibang bukambibig kundi Pinky?" Well, let me tell you our story. . . https://www.youtube.com/watch?v=uzwbhkq75J0&feature=youtu.be...