adi – eh 'di
ahin – akin
ga – ba
napar-on – nagpunta
Phew! Sobrang excited ako sa araw na 'to. First day of school! High school na ako! Yahoo! Siguradong ang dami ko na namang makikilala and hundred and one percent sure ako na magiging kaibigan ko si Zyra.
"Epey!"
May isang cute na nilalang na tumawag ng aking pangalan.
"Bakit mo ako kilala?" nagtataka kong tanong nang makalapit siya.
"Ano ka ga? Nakalimutan mo na ga agad ang best friend mo?"
"Best friend ko?" naguguluhan kong tanong.
"Pinky", nakangiti niyang pagpapaalala.
"Pinky who?" I asked.
"Ay ano ga naman at Pinky who?" nakangiti niyang tugon. "Nagna-knock knock who's there ga tayo?" biro niya.
"Sinong Pinky?" ulit ko.
"Naaalala mo ga noong napar-on ka sa Tagbac noong bakasyon tapos tinatanong mo kung saan ang bahay nina Zyra? Adi nga ga't sinamahan pa kita?" tila kinikilig niyang pagpapaalala.
Seriously? Kailan lang kami huling nagkita pero parang nag-evolve siya.
"Ah", maikli kong sagot. Kunwari ay hindi ako masayang makita siya.
"Gumanda ga lalo ako kaya ako'y hindi mo nakilala?" ngiting-ngiti niyang tanong.
"Hindi. Lalo kang pumangit", sagot ko sabay talikod.
Mean, I know I really am. . .pero ewan ko ba, may kung ano sa puso ko na tuwang-tuwa kapag inaasar ko siya.
Enebeyen? Kapag minamalas ka nga naman! Hindi ko na nga ka-section si Zyra. . .doble kamalasan pa, kaklase ko si Pinky. Pft!
R E C E S S !
Yes! Nakita ko si Zyra sa canteen, mag-isa sa table. Yeah, baby, yeah! Pagkakataon ko na!
Pero bago ko pa siya malapitan. . .
"Hi", matamis ang ngiting bati ni Pinky.
"Ikaw na naman", naiinis kong sagot.
Pinky here! Pinky there! Pinky everywhere!
"Ay paano'y alam kong magiging kaklase kita kaya nagpagawa ako sa ahing Ina ng egg sandwich. Dalawa ire, tig-isa tayo", nakangiti niyang sambit sabay abot sa akin ng hugis kalahating pusong tinapay.
Pagtingin ko sa table ni Zyra, may mga kasama na siya. Oh, come on!
"Hindi ako nakain niyan", tanggi ko sa sandwich na inaabot ni Pinky.
"Masarap ito, tikman mo", pamimilit niya.
"Ikaw ga'y nakakaintindi ng salitang A-YO-KO?" naiinis kong tanong.
Sa halip na magsalita, isang malungkot na ngiti ang kanyang tanging naisagot.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceMarami ang nagtatanong. . . "Sino ba si Pinky?" "Kaanu-ano mo si Pinky?" "Ano ang ikinamatay ni Pinky?" "Bakit wala kang ibang bukambibig kundi Pinky?" Well, let me tell you our story. . . https://www.youtube.com/watch?v=uzwbhkq75J0&feature=youtu.be...