As What?

1.2K 28 18
                                    

aayaw – ayaw

bahin – bakit

ga– ba

kagab-i – kagabi

laang – lang

"Ha. . .Epey. . ." bati sa 'kin ni Ley isang umaga habang naglilinis kami ng CR.

Janitress? Nope! Sa CR lang talaga na-assign ang group namin para maglinis. Sino si Ley? Eh 'di 'yong karibal ni Dao Ming Si, yohohohoho. Tawa ka please, nagjo-joke ako. Yohohohoho ulit. Oh, game! Seryoso na? Ley is one of Pinky's close friends.

"Oh?" matabang kong tugon.

"Nabalitaan mo na ga ang nangyari kay Pinky?" tanong niya.

"Na nililigawan siya ni Edward?" mas matabang kong sagot.

"Yuck!" maarte nitong tugon. "Ay sa dami namang pagseselosan ay bahin si Edward pa? Hate na hate niya iyon dahil inaaway ka."

Wait! What? I. Am. Not. Jealous.

"Hate na hate niya iyon dahil inaaway ka."

"Hate na hate niya iyon dahil inaaway ka."

"Hate na hate niya iyon dahil inaaway ka."

Tila nag-echo ang kasasabi lang ni Ley kani-kanina. Si Pinky pa ba? Lahat ng nagpapalungkot sa akin, hate niya. Lahat ng hindi maganda ang pakikitungo sa 'kin, hate niya. Lahat ng umaaway sa 'kin, hate niya. Okay, inaamin ko na. Miss ko na si Pinky, miss na miss na miss na miss ko na siya. Pero dahil ma-pride ako, siyempre hindi ko ipapahalata sa kanila. . . lalo na sa kanya. Duh!

"Hindi ako nagseselos!" mariin kong tanggi kay Ley.

"Ay bahin bigla mo na laang hindi kinausap si Pinky? Ano 'yon, Epey?"

"Dahil aayaw ko sa kanya", walang kagatol-gatol kong sagot.

"Ah. . ." tumatango-tango niyang tugon. "Ganoon pala. . .pagkatapos ng lahat ng ginawa niya. . .pagkatapos ng lahat ng sacrifices niya. . .aayaw mo pa rin sa kanya. . .ganoon naman pala."

Hindi ko alam kung bakit pero bawat katagang lumalabas sa bibig niya ay tila ba sumusugat sa puso ko. . .na para bang ang sama-sama kong tao. . .na ito pa ba ang ipapalit ko sa lahat ng kabutihang nagawa ni Pinky? Hay! Epey naman kasi! Man, this is really hard! Do I like Pinky? Of course, I do. I like her so much! Like A LOT! But the real question here is. . ."As what?"

"Alam mo gang lasing na lasing iyon kagab-i? At alam mo rin gang balak niyang mag-suicide?" pagsusumbong ni Ley.

"What?!" nanlalaki ang mata kong balik-tanong. Hindi ko alam kung joke o totoo pero kung biro man 'yon, hindi nakakatuwa!

"Oh. . ." sabay abot niya sa 'kin ng isang pilas na papel.

Hindi ako maaaring magkamali. Sulat-kamay nga ni Pinky ang nasa papel na inabot sa 'kin ni Ley. Walang maaaring maging katulad ang sulat-kamay na 'yon, ang natatanging sulat-kamay na parang kinahig ng pilay na manok. Yes, hindi lang basta manok kundi pilay na manok. . .that's right, gano'n siya kalala! Hindi ko na binasa dahil kung pipilitin ko pang intindihin ang handwriting niya, baka hindi ko na siya maabutang humihinga.

"Nasaan siya?" nag-aalala kong tanong.

"Nasa incinerator", tukoy niya sa lugar kung saan naka-assign ang group nina Pinky para maglinis. "Bilisan mo, Epey", pahabol na sambit ni Ley.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon